PBBM, ilalagay sa tamang lugar ang ‘structural changes’ sa DA bago bumaba bilang Kalihim
- Published on June 22, 2023
- by @peoplesbalita
SINABI ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na ilalagay muna niya sa tamang lugar ang “structural changes” sa Department of Agriculture (DA) bago pa bumaba bilang Kalihim ng departamento.
Ito’y upang matiyak ang food security sa bansa.
Sa isang panayam matapos ang formal turnover ceremony, idinaos sa Valenzuela City, ng 20,000 metriko tonelada ng urea fertilizers na dinonate ng Chinese government sa Pilipinas, sinabi ng Pangulo na simula nang maupo siya bilang Kalihim ng DA, nakagawa at nakapaglagay na siya ng ilang substantial changes para tugunan ang mga isyu sa sektor ng agrikultura.
“You know, the truth of the matter is…we have really managed to make some very important structural changes in the Department of Agriculture. So iniisa-isa natin ‘yan. The problem had been during the beginning of this year ay naging crisis lahat ng food supply, food prices, lahat fertilizer prices, et cetera. Kaya napakalaking bagay nitong donation na binigay sa atin ng China,” ayon kay Pangulong Marcos.
Ayon sa Chief Executive, iniisip na niya ang agriculture department na magkaroon ng episyente o mabisang sistema para masiguro ang food security bago bumaba sa puwesto bilang Kalihim ng departamento.
“Kaya’t ang aking hangarin para sa DA ay pag iniwanan ko ang DA by that time, we will have systems in place so that we can guarantee the food supply of the Philippines, number 1; we can guarantee that the prices are affordable; and, number 3, that our farmers make a good living,” ayon sa Punong Ehekutibo.
“Hangga’t matapos natin ‘yun, I suppose you will just have to put up with me as DA Secretary,”dagdag na wika nito.
Bilang kasalukuyang Kalihim ng DA, inilagay na niya sa tamang lugar ang emergency measures para suportahan at tulungan ang mga magsasaka.
“Ngayon, more or less, the prices of the agricultural commodities are beginning to stabilize. Now, we are going to make the structural changes that are important to increase production, number 1; to ensure the food supply of the Philippines, not only rice, but also corn, also fisheries, and livestock,” ayon sa Pangulo.
“So ‘yan ang ating mga ginagawa ngayon para naman hindi na tayo umabot sa krisis na sitwasyon kagaya ng nadatnan natin after the pandemic,” aniya pa rin. (Daris Jose)
-
Pagsisimula ng Villar TV Network, matatagalan pa: WILLIE, labis-labis ang pasasalamat dahil nag-negative sa cancer
LABIS-LABIS ang pasasalamat ng game show host na si Willie Revillame nang ipaalam na niya last Monday, March 28, ang result ng tests para ma-detect if he has cancer. Ikinagulat daw niya na after two years na hindi siya nakapagpa-executive check-up, because of the pandemic, may nakitang polyps sa kanyang katawan. Sa kanyang YouTube channel, […]
-
UP, NU ayaw bumitaw sa unahan
PATULOY ang pagsososyo ng nagdedepensang University of the Philippines at National University sa liderato sa UAAP Season 85 men’s basketball tournament. Ito ay matapos talunin ng UP ang University of the East, 84-77, at gibain ng NU ang De La Salle University, 80-76, para sa magkatulad nilang 5-1 record kahapon sa MOA Arena […]
-
CHRISTOPHER, ni-reveal na kinatakutang idirek sa pelikula ni Direk OLIVE
MAY ni-reveal si Olivia Lamasan sa kanyang interview with Toni Gonzaga na may isang aktor niyang kinatakutan niyang idirek sa pelikula at ito ay walang iba kundi si Christopher de Leon. Nakatrabaho ni Direk Olive si Boyet sa 1996 drama film na Madrasta na first movie sa Star Cinema ni Sharon Cuneta. […]