• July 13, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

PBBM, in-adjust ang dividend rate ng DBP para sa taong 2021

IN-ADJUST ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang porsiyento ng annual net earnings na idedeklara ng state-run Development Bank of the Philippines (DBP) para sa taong 2021.

 

 

Sa katunayan, ipinalabas ni Pangulong Marcos ang Executive Order (EO) 8, na naglalayong tapyasan ang dividend rate ng  DBP ng hanggang zero% mula sa kasalukuyang 50% ng  annual earnings nito.

 

 

Ang downward adjustment ay isinagawa kasunod ng rekomendasyon ni Finance Secretary Benjamin Diokno.

 

 

Bukod dito, ipinag-utos ni Pangulong Marcos ang pagbabawas para suportahan ang  capital position ng DBP,  payagan itong sumunod sa regulasyon ng  Bangko Sentral ng Pilipinas at panatilihin ang papel nito sa  economic recovery ng industriya na labis na naapektuhan ng   coronavirus disease 2019 (Covid-19) pandemic.

 

 

“The various programs of the DBP aim to address gaps in the agricultural sector and increase the resilience of the agricultural value chain in the pursuit of national food security,” ang nakasaad sa EO.

 

 

Binigyang diin sa EO 8 na ang programa ng DBP ay naglalayong magbigay ng  credit support para sa ‘infrastructure and logistics facilities; micro, small and medium enterprises; environment and social services; and community development, to drive immediate economic growth and recovery.”

 

 

“The adjusted dividend rate set forth in Section 1 of this Order is applicable only to the DBP for CY (calendar year) 2021,” ayon sa EO 8.

 

 

Base sa  ilalim ng Republic Act (RA) 7656, ” all government-owned or -controlled corporations (GOCCs) are mandated to declare and remit at least 50 percent of their annual net earnings as cash, stock or property dividends to the national government.”

 

 

Gayunman, ang Pangulo ng Pilipinas ay maaaring i- adjust ang porsiyento ng annual net earnings na idedeklara ng GOCC, para sa kapakanan ng  national economy at general welfare,  ayon sa RA 7656.

 

 

Ang EO 8, ay tinintahan ni Pangulong Marcos noong Disyembre 9, at kaagad naging epektibo. (Daris Jose)

Other News
  • 4 opisyal, pinakakasuhan ng Blue Ribbon Committee sa sugar importation fiasco

    INIREKOMENDA ng Senate Blue Ribbon Committee ang pagsasampa ng administrative at criminal charges laban sa isang Agriculture official at tatlong Sugar Regulatory Administration (SRA) officials kaugnay sa kontrobersyal na Sugar Order No. 4.     Kabilang sa mga pinakakasuhan sa Office of the Ombudsman sina Agriculture Undersecretary Leocadio Sebastian, SRA administrator Hermenegildo Serafica, dating Sugar […]

  • Ads October 4, 2021

  • Dahil sa mahusay na pagganap sa PH adaptation ng ‘The Housemaid’… KYLIE, tatanggap ng ‘Philippines Actress of the Year’ sa DIAFA Awards sa Dubai

    PINUPURI ngayon ang Kapuso actor na si Juancho Trivino sa pagganap nito bilang si Padre Salvi sa historical portal fantasy series ng GMA na Maria Clara At Ibarra.     Ang husay daw na kontrabida ni Juancho at bilang si Padre Salvi, kuhang-kuha raw nito ang pagiging mabangis at mapanakit na kura paroko na may […]