• March 29, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

PBBM inaprubahan ang boluntaryong face masks sa outdoor areas

EPEKTIBO  na sa ngayon ang “optional” na paggamit ng face masks laban sa COVID-19 outdoors sa mga hindi siksikan na lugar, matapos aprubahan ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang rekomendasyon ng Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases (IATF).

 

 

Ito ang kinumpirma ni Press Secretary Trixie Cruz-Angeles, Lunes, sa pag-isyu ni Marcos ng Executive Order 3.

 

 

Matatandaang ika-7 ng Setyembre nang ibalitang inirekomenda ng IATF na tanggalin na ang mandatory face mask requirement sa mga pampublikong lugar basta’t “non-crowded” at merong “good ventilation” ang mga naturang lugar.

 

 

Sa kabila nito, labis pa rin naman daw ineengganyo ng gobyerno ang mga senior citizens (60-anyos pataas), mga immunocompromised individuals at mga hindi pa kumpleto ang bakuna na patuloy magsuot ng face masks, ayon kay Angeles.

 

 

Ang lahat ng ito ay nangyayari ngayong extended pa ng tatlong buwan ang state of calamity sa Pilipinas dahil sa COVID-19. (Daris Jose)

Other News
  • Kahit tapos na ang ‘Maria Clara At Ibarra’… Pagiging ‘Pambansang Ginoo’ ni DAVID, malaking impact at ‘di basta-basta mawawala

    KAHIT tapos na ang ‘Maria Clara At Ibarra’ ay hindi basta-basta mawawala sa kamalayan ng publiko si David Licauco bilang Pambansang Ginoo.     Aminado si David na malaking impact ito sa kanyang pagkatao.     “Kung tinatanong niyo yung big change, yeah, it’s quite big and it’s overwhelming.     “But at the same […]

  • Riding-in-tandem na walang helmet, buking sa baril sa Malabon

    BINITBIT sa selda ang dalawang lalaki nang mabisto ang dalang baril makaraang masita ng mga pulis dahil kapwa walang suot na helmet habang sakay ng isang motorsiklo sa Malabon City, kahapon ng madaling araw.     Kapwa mahaharap sa kasong paglabag sa RA 10054 (Motorcycle Helmet Act of 2009) at RA 10591 (Comprehensive Law on […]

  • LTFRB, LTO gagamit ng online, cashless transactions sa panahon ng “new normal”

    Ang Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) at Land Transportation Office (LTO) na nasa ilalim ng Department of Transportation (DOTr) ay nagsusulong ng technological innovations na makakatulong upang magkaroon ng limitadong human intervention at physical contact sa mga transactions sa loob ng mga nasabing ahensya ng pamahalaan.   Simula sa Martes, ang LTFRB ay […]