PBBM, inaprubahan ang P5.7 trillion National Expenditure Program
- Published on June 27, 2023
- by @peoplesbalita
INAPRUBAHAN ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., ang P5.768 trillion National Expenditure Program (NEP) para sa taong 2024.
Ayon sa Department of Budget and Management (DBM), ang 2024 NEP ay 9.5% na mas mataas sa P5.268 trillion budget ngayong taon.
Ito rin aniya ay 21.8% ng gross domestic product (GDP) ng bansa.
Sinabi ni DBM Secretary Amenah Pangandaman, ang NEP para sa 2024 ay nilikha kasama ang Philippine Development Plan (PDP) 2023-2028 at ang 8-point socio-economic agenda.
“It shall continue to reflect our commitment to pursue economic and social transformation to address the scarring effects of the pandemic, as well as the impact of inflation, by prioritizing shovel-ready investments in infrastructure projects, investments in human capital development, and sustainable agriculture and food security, among others,” ayon kay Pangandaman sa isang kalatas.
Aniya, ang NEP ay produkto ng ilang factors o dahilan kabilang na ang budget utilization rate ng ahensiya at maging ang alignment sa kanilang programa, aktibidad at proyekto.
“We also referred to the agencies’ respective absorptive capacity, as we considered that a low budget utilization rate may reflect the agency’s limited capacity to utilize additional funds,” ayon pa rin sa Kalihim.
Tinuran pa nito na ang NEP ay isusumite sa Kongreso ilang linggo matapos ang State of the Nation Address (SONA) ng Pangulo sa Hulyo 24.
Ayon sa DBM, ang NEP ay magsisilbing ‘spending plan” ng pamahalaan kada taon at pag-uusapan sa dalawang Kapulungan ng Kongreso.
Sa oras na maaprubahan na, ang programa ay lalagdaan upang maging ganap na batas at kikilalanin bilang General Appropriations Act. (Daris Jose)
-
Duque, DOH officials pinaiimbestigahan ng Ombudsman
Pinaiimbestigahan ng Office of the Ombudsman sina Health Sec. Francisco Duque III at iba pang opisyal at empleyado ng Department of Health (DOH) na may kaugnayan sa naging hakbang ng kagawaran sa laban kontra COVID-19 pandemic. Sinabi ni Ombudsman Samuel Martirez na ipinag-utos niya ang pagbuo ng dalawang investigating teams na tututok sa umano’y […]
-
World No. 6 Greek netter, papalo kontra Pinoys
MAKATITIKIM ang Pilipinas ng world-class tennis kapag sinagupa si world No. 6 Stefanos Tsitsipas at liyamadong Greece sa World Group II Davis Cup tie sa Marso 6 at 7 sa Philippine Columbian Association clay court sa Paco, Maynila. Lalabanan ng mga Pilipinong netter si Tsitsipas at ang mga Greek matapos isagawa ng Davis Cup […]
-
Ads June 23, 2023