• June 13, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

PBBM inatasan ang kaniyang economic team tugunan ang ‘red tape’ sa gobyerno

INATASAN  ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., ang kaniyang economic team na tugunan ang red tape sa pamahalaan.

 

 

Sinabi ng Pangulo na imbes na red tape, dapat na bigyan ng red carpet ang mga nais mamuhunan sa bansa maging foreign o local investors ang mga ito.

 

 

Inihayag ng Presidente na magiging trabaho din ng economic team ang palakasin ang incentives para sa mga negosyante partikular ang pagtataguyod sa ease of doing business.

 

 

Ipinunto ng chief executive na hindi tama na pahirapan ang mga negosyante sa paraang patawan ang mga ito ng mabibigat na pagbabayad ng buwis.

 

 

Tinukoy din ng Pangulo ang paglikha ng maraming trabaho,pagpapalago ng ekonomiya, pagpapataas ng kita at mang engganyo ng investors at iba pa.

 

 

Kaninang umaga pinangunahan ng Pangulo ang inagurasyon ng petrochemical manufacturing sa Batangas. (Daris Jose)

Other News
  • Kilalang elepante na si Mali pumanaw na

    PUMANAW na ang nag-iisang elepante ng Manila Zoo na si Mali.   Kinumpirma ni Manila City Mayor Honey Lacuna ang pagpanaw ni Vishwamali o kilala bilang si Mali na pumanaw nitong 3:45 ng hapon ng Martes.   Isinagawa ng mga beterinaryo ang necropsy para malaman ang naging dahilan ng pagpanaw ni Mali.   Si Mali […]

  • ‘House-to-house’ na kampanya ng Robredo volunteers, tunay na mukha ng pagkakaisa

    ANG  “house-to-house/person-to-person” na pa­ngangampanya ng mga taga-suporta ng tamba­lang Robredo-Pangilinan ay ang “tunay na mukha ng pagkakaisa,” ayon kay dating senador Antonio Trillanes.     Aniya, ang umaarangkadang “Pink movement” ay lalong pinatindi ng libu-libong taga-suporta mula sa iba’t ibang antas ng lipunan na boluntaryong lumabas sa kalsada at pumunta sa mga komunidad.     […]

  • PBBM, nagpalabas ng EO na nagbibigay umento sa sahod, benepisyo ng mga empleyado ng gobyerno

    NAGPALABAS si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ng Executive Order No. 64, nagbibigay umento sa sahod ng mga manggagawa sa gobyerno at pinahihintulutan ang karagdagang allowance sa government workers. Tinintahan ni Executive Secretary Lucas P. Bersamin, may pahintulot ng Pangulo ang EO 64 noong Agosto 2, 2024. Kagyat itong magiging epektibo sa oras na mailathala […]