• March 26, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

PBBM, inatasan ang Los Angeles consul na tukuyin ang mga Pinoy na nangangailangan ng tulong sa gitna ng wildfires

INATASAN ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang mga kinauukulang awtoridad na tukuyin ang mga Pinoy na nangangailangan ng tulong at apektado ng malawak na wildfires na tumama sa katimugang bahagi ng California.
“Yes, he directed our consulate in Los Angeles to work with local authorities in identifying Filipino nationals in need of assistance,” ang sinabi ni Philippine Ambassador to the United States Jose Manuel Romualdez sa isang panayam.
Ayon naman kay Philippine Consul General in Los Angeles Adelio Angelito Cruz, tinatayang nasa 200 Pinoy sa Los Angeles, California ang nawalan ng tahanan sa gitna ng malawak na wildfires na nanalasa sa nasabing lugar.
Sinabi ni Cruz na maaari pang tumaas ang bilang ng mga apektadong Pinoy sa mga darating na araw.
Ginarantiya naman nito na ang mga apektadong Filipino ay ililipat sa evacuation centers sa lungsod kung saan ligtas ang lahat.
Nauna rito, nagpaabot ng pakikisimpatiya si Pangulong Marcos sa mga naapektuhan ng mapaminsalang wildfires sa Southern California sa Amerika kung saan maraming mga kabahayan ang naabo.
Sa kanyang inilabas na pahayag, sinabi ng Pangulo na maraming mga Pilipino ang nakatira sa lugar na naging pangalawang tahanan ng mga ito.
“On behalf of the Filipino people, I extend my deepest sympathies to all who have been affected by the devastating wildfires in Southern California, USA – a place that many of our kababayans call home,” ang winika ng Punong Ehekutibo.
Batay sa ulat, libo-libong mga Pilipino ang lumikas sa lugar upang makaiwas sa mabilis na pagkalat ng apoy kung saan maging ang mga bahay ng Hollywood celebrities ay naabo sa wildfire at mayroon na ring naiulat na mga nasawi.  (Daris Jose)
Other News
  • Impeachment, puwedeng talakayin kahit sa 20th Congress

    INIHAYAG ng dalawang mambabatas na maaari pa ring dinggin kahit sa susunod na kongreso (20th congress) ang impeachment complaint laban kay Vice President Sara Duterte,   “Opo, kaya nga po ito po’y tinapos namin at filed na, dahil, eto po ang bola po ay nasa Senate na at ‘yung Senate po pupuwede na po nilang i-hear ito […]

  • Biden personal na binisita ang mga nasalanta ng bagyong Milton; $600-M tulong tiniyak

    Personal na binisita ni US President Joe Biden ang mga nasalanta ng hurricane Milton sa Florida.     Sinabi nito na labis silang nagpapasalamat dahil sa hindi gaano naging matindi ang pinsalang dulot ng bagyo gaya ng inaasahan.     Nangako ito na magbibigay ng $600-milyon na tuloy para sa mga naapektuhan ng bagyo.   […]

  • Itatayong bagong transport hub sa QC na may access sa MRT 7

    MAY plano ang pamahalaan ng magtayo ng bagong transport hub sa lungsod ng Quezon na mayroon access sa ginagawang Metro Rail Transit Line 7 (MRT 7) at itatayo sa 3-hectare na lugar na pag-aari ng Government Service Insurance System (GSIS).     Tatawagin itong “Project Hub” na itatayo sa strategic na lokasyon sa pagitan ng […]