PBBM, inatasan ang Water Resources Management Office (WRMO) na bumuo ng plano
- Published on June 15, 2023
- by @peoplesbalita
IPINAG-UTOS ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa Water Resources Management Office (WRMO) ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) na bumuo ng komprehensibong plano para protektahan ang coastal communities at Kalakhang Maynila mula sa pagbaha kabilang na ang konstruksyon ng water impounding facilities para pangasiwaan ang water resources ng bansa.
Ang kautusan ng Pangulo ay kasunod ng briefing kasama ang mga opisyal ng Department of Public Works and Highways (DPWH) ukol sa kanilang flood control programs at National Irrigation Administration (NIA) hinggil naman sa pamamahala sa mga dammed rivers.
Sa nasabing briefing, sinabi ng Pangulo ang P351 bilyong piso na tinatantyang halaga ng flood control projects ng DPWH sa Kalakhang Maynila at maging sa mga kalapit-lugar.
“Pinapatingnan ko kung papaano ang kailangan, ano pa ‘yung dadagdag natin. Malaki, bilyon-bilyon na ang ginagastos natin para maglagay ng mga dike, maglagay ng mga waterway, mga spillway, pati pumping station dito sa NCR ay napag-usapan namin para mas marami at maging mas efficient ang paglabas ng tubig,” ayon kay Pangulong Marcos.
Ang tanong naman ng Pangulo ay kung saan dapat napupunta ang tubig-baha, “Bukod doon ay papaano natin, huwag natin naman sana tinatapon ‘yung tubig dahil ay kailangan na natin ‘yang tubig na ‘yan. So gumagawa rin kami ng paraan para maipon ang tubig,” aniya pa rin.
Ani Pangulong Marcos, naghahanap ang pamahalaan ng lokasyon o lugar sa labas ng Kalakhang Maynila para maaaring gawing impounding areas para kontrolin ang pag-agos ng tubig at maiwasan ang pagbaha.
“Para doon natin kokontrolin, hindi na papasok dito sa Maynila, at mayroon pa tayong naipon na tubig para sa agrikultura, para sa iba’t ibang gamit,” anito.
Binigyang diin naman ng Punong Ehekutibo ang pangangailangan ng komprehensibong plano para kontrolin kung saan dapat mapunta ang tubig-baha at kung ano ang dapat gawin.
“At ‘yan ang aming tinitingnan nang mabuti at kahit papaano ay nagagawa naman natin na maproteksyunan ang mga nakatira sa tabi ng ilog at saka ng dagat,” ang wika ng Pangulo.
Sa kabilang dako, nakatuon din ang pansin ng briefing sa nagpapatuloy na flood control projects sa Pampanga, Cavite, Leyte at Cagayan De Oro City, at maging sa kontruksyon ng access roads tungo sa irrigation areas na kinilala ng NIA sa ilalim ng Katubigan Program, ipinatupad kasama ng DPWH.
“The highlights included the rainwater collection system program under Republic Act No. 6716, with a total cost of Php5.86 billion for the construction and installation of 6,002 rainwater collection system in various parts of the country,” ayon sa Malakanyang.
“Among the major flood control projects that are on the pipeline include the flood protection infrastructures in the Abra River Basin, Ranao River Basin and Tagum-Libuganon River Basin, the Central Luzon-Pampanga River Floodway Flood Control Project, among others,” ayon pa rin sa Malakanyang.
Maliban sa mga nasabing inisyatiba, mino-monitor din ng pamahalaan ang climate crisis dahil sa matinding epekto sa iba’t ibang sektor.
Samantala, kabilang naman sa dumalo sa briefing sina Executive Secretary Lucas Bersamin, DPWH Secretary Manuel Bonoan, Finance Secretary Benjamin Diokno, Defense Secretary Gilbert Teodoro, DENR Secretary Antonia Yulo-Loyzaga, Interior and Local Government Secretary Benjamin Abalos Jr., Secretary Renato Solidum Jr. of the Department of Science and Technology at, Budget and Management Secretary Amenah Pangandaman.
Dumalo rin sa briefing ang iba pang cabinet officials gaya nina Secretary Arsenio Balisacan ng National Economic and Development Authority, Secretary Cheloy Velicaria-Garafil ng Presidential Communications Office, Chief Presidential Legal Counsel Juan Ponce Enrile, Special Assistant to the President Secretary Antonio Ernesto Lagdameo; at, Atty. Romando Artes, acting chairman ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA). (Daris Jose)
-
Patuloy ang positibong feedback sa ‘My Plantito’: KYCH at MICHAEL, damang-dama ang ligaya at suporta sa pumunta sa fan meet
DUMALO ang cast at crew ng My Plantito sa fan meet na ginanap noong Setyembre 16, kabilang ang kapana-panabik na tambalan ng mga bida ng serye, sina Kych Minemoto at Michael Ver. Kasama ang iba pang artista na sina Ghaelo Salva, Devi Descartin, Elora Espano at Derrick Lauchengco. Nagkaroon nga ng pagkakataon ang mga masugid […]
-
LRT 1 walang operasyon sa Dec. 3 – 4
SUSPENDIDO muna ang operasyon ng Light Rail Transit Line 1 simula sa Dec.3 hanggang Dec. 4 upang bigyang daan ang reintegration ng istasyon sa Roosevelt sa buong linya. Ang Light Rail Manila Corp. (LRMC) ang nagbigay ng anunsiyo ng suspensyon ng operasyon. “LRT 2 has to be closed for two days […]
-
Slaughter, Badua asaran sa Twitter
MALABO pa yatang matapos ang parang away-bata nina Philippine Basketball Association (PBA) star Greg Slaughter at netizen Edmond ‘Snow Badua sa social media na nagkaasaran sa ratratan nila gamit ang Twitter. Inis ang Barangay Ginebra San Miguel slotman sa pagkakabitin ng kanyang playing career, walang bagong kontrata tatlong linggo na lang bago magbukas ang […]