PBBM, ininspeksyon ang NFA warehouse, suplay ng bigas sapat, problema sa suplay ng sibuyas, tinutugunan
- Published on December 19, 2022
- by @peoplesbalita
NAGSAGAWA ng “surprise inspection” si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa warehouse ng National Food Authority (NFA) sa Valenzuela City, araw ng Sabado.
Nais kasi ni Pangulong Marcos na personal na i-check ang suplay ng bigas.
At sa tanong kung sapat ang suplay ng bigas, sumagot si Pangulong Marcos sa mga mamamahayag na “Oo, mukha naman, so far. Nabawasan kasi, talagang binawasan natin ‘yung importation, doon natin kinukuha sa production. So okay, I think we’ll be alright.”
Gayunman, sinabi ni Pangulong Marcos na kailangan na mahigpit na i-monitor ang suplay ng bigas dahil makaaapekto sa produksyon ang “masamang panahon.”
“Pero, siyempre, kailangang bantayan nang husto iyan. ‘Pag tinamaan na naman tayo ng masamang weather, mararamdaman na naman natin ‘yan sa supply ng palay, ng bigas,” ayon sa Pangulo.
Si Pangulong Marcos ay umuupo rin bilang Agriculture secretary.
Wika ni Pangulong Marcos, nagpunta siya sa NFA warehouse dahil nais niyang personal na makita kung saan manggagaling ang bigas na nabibili sa Kadiwa stores.
“Nandito lang kami sa NFA warehouse kasi sa tanong — may nagtanong noong nasa Quezon City tayo, ‘yung supply ng Kadiwa ay baka mapatid, baka ma-ano, magkulang. Tinitignan ko kung saan manggagaling ‘yung supply na pinagbibili natin sa mga Kadiwa. So pinuntahan ko muna kung may laman naman ‘yung mga warehouse at merong parating pa nga,” ayon sa Punong Ehekutibo.
“This is already the season na naglalabas na ng bigas so tuloy-tuloy na siguro ito para naman matiyak natin na ang Kadiwa ay hindi mauubusan ng commodities na ipagbibili at a good price na P25,” dagdag na pahayag nito.
Ukol naman sa suplay ng sibuyas, sinabi ng Pangulo na tinutugunan na ng gobyerno ang problema hinggil dito.
“Ang nangyayari ngayon is that we’re finding a way. Ang daming nahahanap ngayon na smuggler na kinukuha namin. As quickly as possible, naghahanap nga kami ng paraan kasi usually ‘yan kakasuhan mo pa bago i-auction. By the time i-auction mo ‘yan, wala na, sira na ‘yan. Kaya sabi ko hanap tayo ng paraan para mailabas kaagad, mailagay sa market lahat ‘yan. So ‘yun ang pinag-aaralan namin ngayon, anito.
“Baka by next week meron na tayong solution,” aniya pa rin
Tinatayang may P3.9 milyong halaga ng imported white onions na di umano’y smuggled ang nakumpiska ng mga awtoridad sa Divisoria, Maynila. (BISHOP JESUS “JEMBA” M. BASCO)
-
TRAFFIC RE-ROUTING SA KAPISTAHAN NG STO NINO SA TONDO
NAGLABAS na ng abiso ang Manila Traffic Enforcement Unit (TEU) sa mga motorista na umiwas sa mga lugar na sa Tondo, Maynila dahil sa gagawing kapistahan ng Sto.Nino de Tondo sa Enero 17 . Sa inilabas na traffic advisory, mula alas-3:00 ng madaling araw ng Enero 17 ,pinayuhan ng MTEU ang mga motorista mula sa […]
-
2 INDIBIDWAL, BARANGAY OFFICIAL ARESTADO NG NBI
DALAWANG indibidwal kasama ang isang opisyal ng barangay ang inaresto ng National Bureau of Investigation (NBI) dahil sa ilegal na pagbebenta ng “iron wood” o “magkuno”. Kinilala ni NBI Director Eric Distor ang mga naaresto na sina Clyde Rey Balaan na isang barangay councilor at Elward Lomongan, residente ng Lianga,Surigao del Sur. […]
-
15 milyong target bakunahan sa 3-day national vaccine drive – DOH
Target ng Department of Health (DOH) na mabakunahan ang nasa 15 milyong Pilipino sa ikakasang tatlong araw na ‘national COVID-19 vaccination drive’ na nakatakda sa Nobyembre 29 hanggang Disyembre 1. “We are doing everything that we can so that this can be successful and we can reach our average or our targets,” ayon […]