• March 15, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

PBBM, ininspeksyon ang rice processing sa Isabela

PINANGUNAHAN ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang pag-inspeksyon sa Rice Processing System II (RPS II) sa Echague, Isabela.
Ang pasilidad ay bahagi ng Rice Competitiveness Enhancement Fund (RCEF) Mechanization Program na may kabuuang investment na P67.48 million.
Inilunsad noong November 2024, kasama sa RPS II ang multi-stage rice mill na may kapasidad na tatlong tonelada kada oras na may halagang P48.58 milyon at limang recirculating dryers na may kakayahan na humawak ng 12 tonelada, may halagang P18.9 million.
Layon ng pasilidad na bawasan ang production costs at postharvest losses, na sa kalaunan ay mapakikinabangan ng local rice industry.
Sa kalaunan pa rin ay maita-translate ito sa mas maayos na kita para sa lokal na magsasaka at mas matatag na suplay ng bigas para sa mga consumers. (Daris Jose)
Other News
  • Yulo kumolekta ng 8 golds sa Hong Kong

    UNTI-unting gumagawa ng sariling pangalan si Karl Eldrew Yulo matapos humakot ng walong gintong medalya sa Chiu Wai Chung Cup na ginanap sa Hong Kong.     Pinagharian ni Yulo ang juniors individual all-around para magarbong simulan ang kampanya nito sa tor­neo.     Hindi nagpaawat si Yu­lo nang walisin nito ang anim na gintong […]

  • Susunod na laban ni Ancajas gagawin na sa Pilipinas

    GAGAWIN na sa Pilipinas ang susunod na laban ni dating world super flyweight champion Jerwin Ancajas.     Sinabi nito na gagawin sa Pebrero 2023 ang nasabing laban.     Ang 30-anyos na si Ancajas ay galing sa pagkatalo kay Fernando Martinez noong nakarang mga linggo.     Sa mga susunod na araw aniya ay […]

  • PAGHALIK SA ALTAR AT KRUS, HINDI INIREREKOMENDA

    HINDI  inirerekomenda  ng Department of Health (DOH) ang paghalik sa altar at krus sa gitna ng COVID-19 pandemic  ngayong panahon ng Holy Week. .     Ang Holy Week ay mula April 10, Linggo hanggang April 16, Sabado.     Sinabi ni Health Usec Maria Rosario Vergeire sa media forum na ang nasabing virus ay […]