• May 13, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

PBBM, ipinag-utos ang imbestigasyon sa NAIA bollards na ikinabit noong panahon ng Duterte admin matapos ang trahedya sa NAIA 1

IPINAG-UTOS na ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang masusing imbestigasyon ukol sa ‘installation at procurement’ ng bollards o vehicle barriers sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 1, kasunod ng trahedya na nagresulta ng pagkasawi ng dalawa katao.
Kinumpirma ni Presidential Communications Office (PCO) Undersecretary at Palace Press Officer Claire Castro sa press briefing sa Malakanyang na ang bollards, nabigong mapahinto ang SUV na sumagasa sa mga tao sa labas ng Terminal 1, ay inilagay o ikinabit noong 2019, sa ilalim ng administrasyon ni dating Pangulong Rodrigo Roa Duterte at sa ilalim ng liderato ni dating transportation secretary Arthur Tugade.
“Nakakalungkot po na may mga nasawi dahil sa di umano’y depektibong bollard na na-install sa NAIA Terminal 1,” ang sinabi ni Castro.
Dahil dito, inatasan ni Pangulong Marcos ang mga kinauukulang ahensiya ng pamahalaan na imbestigahan ang ‘procurement process’ at i-assess kung ang specifications na ginamit sa pagkakakabit ay natugunan ang safety standards.
“Pina-iimbestigahan na po kung paano ang naging procurement pati na ang specifications sa pag-uutos ng pangulo,” ang winika ni Castro.
“At ito’y tutugunan kaagad-agad ni Secretary Vince Dizon. Pati po ang pag-inspect sa mga bollard at mabilisang pagpapalit nito para sa safety po ng nakararami,”aniya pa rin. (Daris Jose)
Other News
  • Mas matinding sitwasyon ang kakaharapin ng Phl kung ‘di ipatupad ang ECQ sa NCR – Concepcion

    Tama ang ginawa ng private sector na imungkahi ang dalawang linggong enhanced community quarantine (ECQ) dahil kung hindi ay mahaharap sa mas malaking hamon ang Pilipinas bunsod ng banta ng Delta coronavirus variant, ayon kay presidential adviser for entrepreneurship Joey Concepcion.     Mas ninais aniya ng private sector na irekomenda sa pamahalan na Agosto […]

  • Pliskova pasok na sa quarterfinals ng US Open

    Pasok na sa quarterfinals ng US Open si Karolina Pliskova.     Ito ay matapos na talunin si Anastasia Pavlyuchenkova ng Russia sa score na 7-5, 6-4.     Sa unang set pa lamang ay hawak na dominado na ng Czech player ang laro.     Mayroong kabuuang 58 aces ang kaniyang nagawa sa laro. […]

  • Diaz focus muna sa gold sa 2024 Paris Olympics

    PANSAMANTALANG  isasantabi ni Tokyo Olympic Games gold medalist Hidilyn Diaz ang pagbuo ng pamilya kasama ang fiance na si coach Julius Naranjo.     Sasabak pa kasi ang tubong Zamboanga City lady weightlifter sa 2024 Olympics sa Paris, France kung saan hangad niya ang ikalawang sunod na Olympic gold.     “Yes, we’re planning to […]