PBBM, ipinag-utos ang pagkumpleto sa water-related projects sa April 2024
- Published on December 15, 2023
- by @peoplesbalita
SINABI ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na ipinag-utos niya sa mga kinauukulang ahensiya ng gobyerno na kompletuhin ang water-related projects sa April 2024 bilang paghahanda para sa epekto ng El Niño phenomenon.
Sa isinagawang ina inagurasyon ng Balbalungao Small Reservoir Irrigation Project (BSRIP) sa Lupao, Nueva Ecija, winika ng Pangulo ang pamgangailangan na tiyakin na ang bansa ay handa sa posibleng epekto ng El Niño, kabilang na ang pagbawas sa pag-ulan at tag-tuyot.
“We must be prepared to counter these effects, which may last until the second quarter of 2024. So, we remind once again the DA (Department of Agriculture) and the NIA (National Irrigation Administration) to immediately complete the construction of irrigation facilities, as well as other supporting structures based on the needs of our farmers,” ayon kay Pangulong Marcos.
“Iniisip ko ‘yung mga project na gagawin natin. Meron tayong apat na buwan para tapusin lahat iyan, maging operational lahat iyan dahil ang ginawa kong deadline para sa ating mga departamento, ‘ika ko sa kanila, ang isipin natin, ano ba ang kaya nating matapos by April of next year,” dagdag na wika nito.
Ang mga pangunahing proyekto gaya ng BSRIP, ay makatutulong na tugunan ang epekto ng El Niño, na maaaring maging dahilan ng kakapusan sa water at power supply.
“The BSRIP, boasting an expansive 840-hectare service area, is designed to foster sustainable development for the benefit of 562 farmers and their families residing in Balbalungao, San Isidro, Salvacion, Sto. Niño, and Mapampang villages in Lupao town,” ayon sa ulat.
Winika pa ni Pangulong Marcos na ang konstruksyon ng Balbalungao Dam ay nagpapahiwatig ng commitment ng administrasyon para i-develop ang modern infrastructure systems na makapagpapalakas sa agriculture sector.
“Once fully operational, this multi-purpose dam will provide irrigation for close to 1,000 hectares of agricultural land,” aniya pa rin sabay sabing “The dam will generate diversified income opportunities to increase crop use, fish culture, tourism, and watershed management for environmental protection.”
Sa kabilang dako, binigyang-diin naman ni Pangulo Marcos na mapabibiilis ng BSRIP ang hydroelectric power generation at nagsilbi bilang flood control mitigation infrastructure para sa mga komunidad sa tabi ng ilog.
Inatasan naman nito ang DA at NIA na tiyakin ang napapanahong pagkompleto sa ibang pasilidad ng BSRIP, gaya ng hydropower at watershed components.
Ipinag-utos naman ng Pangulo sa lahat ng ahensiya ng pamahalaan, local government units, at pribadong sektor na magtulungan upang matiyak ang “sustainability” ng water resources at ang ecosystem na nakapalibot sa reservoir.
“That integrated watershed management plan serves as your guide in monitoring, protecting, and conserving the Balbalungao water shed to prolong the land’s service lifestyle,” ayon kay Pangulong Marcos.
“Anticipating the success of the BSRIP in transforming the province’s land into a thriving hub of productivity, we remain steadfast in our pursuit of food security, poverty reduction, and economic growth,” aniya pa rin.
Ang gobyerno aniya ay naglalayong i-establish ang mahigit sa 275,000 ektarya ng bagong irrigation areas para i- restore ang 80,000 ng umiiral na irrigation areas sa 2028.
“As we envision a more secure, sustainable, and resilient Philippines, let us harmonize our efforts to ensure the continued empowerment of our producers, progress for our industries, and advancement for the entire country,” aniya pa rin. (Daris Jose)
-
80% kaso ng P.3 variant natukoy sa Central Visayas
Mula sa Central Visayas ang malaking bahagi ng COVID-19 P.3 variant na unang natukoy sa Pilipinas. “Of the 98 cases that we have detected to be positive for the P.3 variant, I think 80 percent were coming from Region 7,” ayon kay Department of Health-Epidemiology Bureau head Dr. Alethea de Guzman. […]
-
Start Strong: Make Your Health a Priority This Year
EVERY new year, we hear it time and again: This year will be different. It’s a chance to quit those bad habits, tackle long-standing goals, and build a healthier future. With each January, we’re inspired by the promise of a fresh start—an ideal time to stop smoking, adopt cleaner habits, and finally prioritize well-being. […]
-
Pagtaas ng kontribusyon ng Pag-IBIG Fund members posibleng sa taong 2022 na
POSIBLENG sa 2022 maimplementa ng Pag-IBIG Fund ang dagdag na P50 sa buwanang kontribusyon ng kanilang miyembro. Sinabi ni Pag-IBIG Fund chief executive officer Acmad Rizaldy na nakausap na niya ang mga stakeholders at pumayag umano ang mga ito. Isa kasing itinuturong dahilan ng pag-antala ng increase ay dahil sa epekto ng COVID-19. […]