PBBM, ipinag-utos sa DENR na i-assess ang oil spill … Tanker may kargang 1.4 milyong litro langis, lumubog sa Bataan
- Published on July 27, 2024
- by @peoplesbalita
IPINAG-UTOS ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa Department of Environment and Natural Resources (DENR) at iba pang kinauukulang ahensiya ng gobyerno na i-assess ang environmental impact ng isang oil spill mula sa napakalaking oil tanker na tumaob sa baybayin ng Bataan.
Sa isang situation briefing sa epekto ng Super Typhoon Carina at pinalakas na southwest monsoon o Habagat, nanawagan si Pangulong Marcos sa DENR, kasama ang Department of Science and Technology (DOST) at Philippine Coast Guard (PCG), na pangunahan ang assessment at payagan ang pamahalaan na maghanda para sa mitigation measures.
“Can we add an instruction to the DENR to make already an assessment on the environmental impact of this?,” ang sinabi ni Pangulong Marcos sa naturang briefing sa Presidential Security Command compound sa Maynila.
“Basically, what we need to assess is where was the capsized vessel? The fuel is being released, what are the tides? What are the winds? Where is it headed? Para maunahan na natin. We need some determinations of that,” dagdag na pahayag ng Pangulo.
Ipinag-utos din ng Chief Executive sa mga ahensiya na magbigay ng lahat ng kinakailangang data para pahintulutan ang mga awtoridad na tugunan ang oil spill at epekto nito sa kapaligiran.
Sinabi naman ni Transportation Secretary Jaime Bautista na 16 mula sa 17 crew ng oil tanker ang nailigtas ng PCG.
Ang MT Terra Nova ay may kargang 1,494 metriko tonelada ng industrial fuel oil nang tumaob sa 3.5 nautical miles sa labas ng Lamao, isang coastal barangay ng Limay, Bataan kaninang umaga.
“It (Terra Nova) capsized at 1 o’clock early this (Thursday) morning and there’s already oil spill and right now, we cannot dispatch our resources because of strong winds and high waves,”ang sinabi ni Bautista kay Pangulong Marcos sa briefing.
“We already coordinated with the private sector, Harbor Star, and [it] will deploy the resources as soon as it will be possible,” aniya pa rin. (Daris Jose)