PBBM, ipinag-utos sa DOE na tugunan ang power situation
- Published on April 18, 2024
- by @peoplesbalita
IPINAG-UTOS ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa Department of Energy (DoE) na kagyat na tugunan ang energy situation sa bansa kasunod ng red alert na deklarasyon ng National Grid Corporation of the Philippines (NGCP).
“In light of the recent Red and Yellow Alerts in the Luzon Grid, I have instructed the Department of Energy to closely monitor and coordinate with all stakeholders to address the situation,” ang sinabi ni Pangulong Marcos sa kanyang post sa X (dating Twitter).
Inatasan din ng Pangulo ang lahat ng ahensiya ng pamahalaan na “to set the standard in conserving energy and minimizing power consumption.”
“At this time, it is crucial that we all work together to ensure a stable power supply for the next couple of days. Let’s adopt energy-efficient practices and stand together to overcome this challenge,” dagdag na wika ng Chief Executive.
Sa kabilang dako, sinabi ng NGCP na ang grid ay kasalukuyang nasa ilalim ng red alert matapos na puwersahang itinigil ang 20 power plants na naging dahilan ng power interruptions sa ilang lugar.
Sa kabilang dako, ipinahihiwatig ng red alert status na ang power supply ay ‘insufficient’ o kapos na matugunan ang demand ng mga konsyumer at ang regulating requirement ng transmission grid.
Samantala, inanunsyo ng Meralco na maaari silang magpatupad ng one-hour manual load dropping (MLD) o rotating power interruptions sa pagitan ng alas- 2:00 ng hapon hanggang alas-4:00 ng hapon sa franchise area nito kasunod ng naging deklarasyon ng NGCP na red alert sa Luzon grid. (Daris Jose)
-
Mahigit 350K residente sa Amerika, nawalan ng suplay sa kuryente dahil sa winter storm
PATULOY na hinahagupit ng “massive winter storm” ang Amerika na na nag-iiwan ng higit sa 350,000 katao ang apektado. Kasalukuyang naranasan ngayon sa Arkansas at Tennessee; Illinois at Ohio; Kentucky at West Virginia ang makapal na snow, freezing rain at nagye-yelo na paligid dahilan upang nawalan sila ng suplay ng kuryente. […]
-
PBBM kabilang sa sisingilin ng BIR kung kumikita ito sa kanyang mga vlog
NILINAW ng Bureau of Internal Revenue (BIR) na kabilang si Pangulong Ferdinand Marcos Jr ang magbayad ng buwis kung kumikita sila sa kanilang mga vlog. Ayon kay Marissa Cabreros, deputy commissioner ng Bureau of Internal Revenue (BIR), anuman ang kanilang pagkakakilanlan, ang mga vlogger na kumikita ng kanilang mga account sa mga streaming […]
-
“SCREAM” RATED R-16 WITHOUT CUTS, HOLDS SNEAKS ON FEB 1st
MANILA, January 25, 2022 — Paramount Pictures has just announced that its US No.1 box-office hit Scream will hold special sneak previews in selected cinemas nationwide on Tuesday, February 1st. Horror fans are advised to check with their favorite theaters for the screening hours and ticket prices. [Watch the sneaks announcement video at https://youtu.be/rnUeWdf3T6I] […]