• March 19, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

PBBM, ipinamigay ang nakumpiskang smuggled rice sa mga mahihirap na pamilya sa Tungawan, Zamboanga Sibugay

PINANGUNAHAN ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang pamamahagi ng mga nakumpiskang  smuggled rice sa mga mahihirap na pamilya sa Tungawan, Zamboanga Sibugay.

 

 

Bahagi ito ng pagtupad  ng Pangulo sa kanyang pangako na tugisin ang rice smugglers at hoarders sa bansa.

 

 

Pinangunahan din ng Pangulo ang  turnover ng iba pang tulong sa mga residente at local government units (LGUs) sa nasabing lalawigan.

 

 

Sa naging talumpati ng Pangulo, tiniyak nito na ang pamahalaan at ang kanyang administrasyon ay sanib-puwersa para tuldukan ang smuggling, labis na nakaapekto sa agricultural sector sa bansa.

 

 

“Kailangan sapat ang pagkain para sa ating mga kababayan. Kasama diyan ay pinapatibay natin ang sistema ng agrikultura. Ngunit hindi lamang, yun ang nagiging problema sa agrikultura dito sa Pilipinas, ang isang napakalaking problema ay ang pag-smuggle ng bigas papasok ng Pilipinas,” ayon sa Pangulo.

 

 

“Hindi lamang pag-ayos ng agricultural sector ang ating kailagang gawin. Kailangan din nating pagtibayin ang ating pag-impose ng mga batas tungkol nga sa pagbigay ng suplay ng bigas sa atin, sa buong Pilipinas. Hindi tama na nagpapasok sila, iniipit nila ang suplay, pinapataas nila ang presyo, naghihirap ang tao para lang kumita sila ng malaki,” dagdag na wika nito.

 

 

Nauna rito, inatasan na ni Pangulong Marcos ang Bureau of Customs (BOC) na ituon ang pansin at atensyon sa kampanya laban sa mga  smugglers para matuldukan na ang ilegal na operasyon ng mga ito.

 

 

Sa kabilang dako, pinuri naman niya ang BoC  para sa matagumpay na pagkakasabat at pagsamsam sa   42,180 bags ng  imported rice na nagkakahalaga ng  P42 milyong piso sa isang  bodega sa Barangay San Jose Gusu, Zamboanga City noong Setyembre 15, 2023.

 

 

Pinanindigan naman ng Punong Ehekutibo na ang gobyerno ay handang sumunod sa ‘due process’ sa pagkumpiska sa mga  smuggled items sa pamamagitan ng pagbibigay sa mga respondents ng 15-day notice para mapakinggan ang kanilang panig.

 

 

“Nabigyan na sila ng 15 days, wala silang naisagot kaya’t kinuha na ng gobyerno at ginawa naming donation sa DSWD [Department of Social Welfare and Development] … ang sabi ko, ang pinakanangangailangan diyan ang mga beneficiaries ng 4Ps,” ayon kay Pangulong Marcos.

 

 

“Iyon po ay patuloy nating pag-aasikaso para tignan natin na maging maganda ang patakbo ng mercado sa bigas dahil alam naman natin kung gaano kahalaga ang suplay ng bigas sa magandang presyo para sa lahat ng Pilipino,” aniya pa rin.

 

 

Tiniyak naman ng Punong Ehekutibo sa sambayanang filipino na ang gobyerno ay handang tumulong sa mga apektadong mahihirap na indibiduwal.

 

 

Nakiisa naman si DSWD Secretary Rex Gatchalian  sa pamamahagi ng  bigas kasama sina NFA Administrator Roderico Bioco, BOC Deputy Commissioner Vener Baquiran, Philippine Air Force Brig. Gen. Dennis Estrella, Army Maj. Gen. Antonio Nafarrete, at iba pang opisyal.

 

 

Samantala, pinangunahan naman ni Pangulong  Marcos ang turnover ceremony ng P6.72 milyong halaga ng DA-Philippine Rural Development Project Investment for Rural Enterprises and Agricultural and Fisheries Productivity (DA-PRDP); P11.84 milyong halaga ng  DA-PRDP I-REAP; at P1.5 milyong halaga ng  DA Kadiwa Financial Grant (Hauling Vehicle).

 

 

Namahagi rin ang Chief Executive ng P1 milyong halaga ng DA Kadiwa Financial Grant (trading capital); PhP1.5 milyong halaga ng  DA Kadiwa Financial Grant (sasakyan at working capital); P59,043 halaga ng  Assistance Certificate mula sa  Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR): P76,620 halaga ng Mackerel Drift Gillnet; at P4,000 halaga ng walong rolls-PE Rope No. 10mm.

 

 

Pinangunahan din ni Pangulong Marcos ang distribusyon ng P120 milyong halaga ng tulong sa ilalim ng “Tulong Panghanapbuhay sa Ating Disadvantages/Displaced Workers” ng Department of Labor and Employment (DOLE) at P530,000 halaga ng DOLE livelihood assistance.  (Daris Jose)

Other News
  • MIKOY, umaming na-insecure talaga sa kay RURU at muntik nang mag-quit sa showbiz

    ISA sa mga hit Korean movie ang More Than Blue noong ipinalabas ito ng 2019 na ngayon ay binibigyan ng Pinoy adaptation ng Viva Films at mapapanood na sa Vivamax simula sa November 19.     Kung sa Korean, sina Kwon Sang Woo at Lee Bo Young ang nagbida, dito sa Pinoy adaptation ay sina […]

  • Top Radio Anchors sa Bansa, Tampok sa mga Bagong Programa ng Radyo5

    NGAYONG 2023, kasabay sa pagsalubong ng Chinese New Year, maririnig na ang tunay na tunog ng serbisyo publiko sa mga bagong programa ng Radyo5 92.3 FM na kaakibat ng bagong tagline ng istasyon: “Ito na ang totoong tunog ng Serbisyo Publiko!”  Nangunguna sa listahan ng mga bagong handog ng Radyo5 ang radio program ng go-to […]

  • Checkpoint operations sa mga boundaries ng NCR Plus bubble pinalakas pa – PNP

    Pinalakas pa ng PNP region 3 ang kanilang checkpoint operations sa mga boundaries patungo at palabas ng NCR Plus Bubble ngayong pinalawig ng isang linggo ang enhanced community quarantine sa mga nasabing lugar.     Ayon kay PNP PRO-3 regional police director BGen Val Deleon, kahit hindi kasama ang kaniyang area sa ECQ, kanilang sisiguraduhin […]