PBBM, isang ‘unstoppable leader’- DAR
- Published on October 1, 2024
- by @peoplesbalita
ITINUTURING ni Agrarian Reform Secretary Conrado Estrella na isang ‘unstoppable leader’ si Pangulong Ferdinand Marcos Jr.
Kapansin-pansin naman kasi ayon sa Kalihim na ayaw magpaawat at walang nakapipigil kay Pangulong Marcos mula sa paghahatid ng ‘good services’ sa mga Filipino.
“Kahit na po kaarawan niya, kahit birthday niya na kasama ho niya ang kanyang pamilya, hindi po [nagpapaawat]. Noong kaarawan po niya, nagpunta po kami ng Nueva Ecija, nagpunta po kami kung saan-saan, namimigay ng titulo sa ating mga kababayan, ,” ang sinabi ni Estrella patungkol sa Pangulo sa isang event sa Tarlac, araw ng Lunes.
Kasama ng Pangulo sa pamamahagi ng Certificates of Condonation with Release of Mortgage (COCROMs) sa Tarlac, binigyang-diin ni Estrella ang determinasyon ni Pangulong Marcos na harapin ang lahat ng hamon para mapagsilbihan ang mga mamamayan lalo na ang mga kapus-palad o mahihirap.
Kahit pa aniya may sakit ang Pangulo at kailangan na magpahinga ay wala talagang makapigil sa Pangulo sa pagbibigay-serbisyo sa mga mamamayan lalo na sa mga nangangailangan.
“At kahit po may sakit, akalain niyo ho ay nagkasakit. Kahit s’ya na ho ang may sakit… Dapat ang Presidente kung may sakit, doon na lang sa bahay, nagpapahinga. Ngunit kahit na bahing nang masama ang pakiramdam, tumuloy pa rin ho kami sa Palawan at sa Iloilo,” ang sinabi ni Estrella.
Naniniwala si Estrella na hindi apektado ang Pangulo na sitwasyon, umulan man o umaraw, araw man o gabi.
Inalala nito ang insidente kung saan pinayuhan ang Pangulo na huwag nang tumuloy sa pagbisita sa Agrarian Reform Beneficiaries (ARBs) sa Mindanao dahil sa masungit na panahon subalit tumuloy pa rin ito.
Samantala, namahagi naman si Pangulong Marcos ng 4,663 COCROMs sa 3,527 ARBs sa Paniqui, Tarlac.
Sa nasabing event, muling inulit ng Pangulo ang commitment ng kanyang administrasyon na tiyakin na ang mga ARBs sa Pilipinas ay abswelto na mula sa kanilang pagkakautang. (Daris Jose)
-
KORINA, nagbahagi ng emotional tribute sa biglaang pagpanaw ni RICKY LO
NAGLULUKSA na naman ang local entertainment industry dahil sa biglaan at nakagugulat na pagpanaw ng ‘well loved’ veteran entertainment editor at TV host na si Ricky Lo. Noong gabi ng May 4, bandang 10 p.m. kumalat na ang balitang namaalam na si Kuya Ricky or Tito Ricky hanggang sa makumpirma na ayon mismo […]
-
MGA WANTED NA DAYUHAN, IPAPA-DEPORT
INANUNSYO ng Bureau of Immigration (BI) ang pagkakaaresto ng apat na dayuhan na wanted ng awtoridad dahil sa kasong kanilang kinakaharap sa kanilang bansa. Sinabi ni Immigration Commissioner Norman Tansingco, na ang apat na dayuhan ay nakatakdang ipa-deport pabalik sa kanilang bansa at inilagay na rin sila sa blacklist para hindi na makabalik […]
-
Matapos dumating ang halos 1-M doses pa na Pfizer sa PH
Nakatanggap muli ang bansa ng nasa halos isang milyong doses ng COVID-19 vaccines mula sa kompanyang Pfizer. Pasado alas-8:00 kagabi ng dumating sa Ninoy Aquino International Airport Terminal 3 ang 976,950 doses ng Pfizer COVID-19 vaccines. Aabot na sa mahigit 100-million na COVID-19 vaccine ang kabuuang natanggap na ng gobyerno. […]