PBBM, Kamala Harris pinag-usapan ang South China Sea sa Jakarta
- Published on September 9, 2023
- by @peoplesbalita
NAGKITA sina Pangulong Ferdinand Marcos Jr. at US Vice President Kamala Harris para sa bilateral talks sa sidelines sa ASEAN Summit sa Jakarta, Indonesia.
“The two leaders discussed the maritime security environment in the South China Sea, and reviewed opportunities to enhance bilateral maritime cooperation, including alongside likeminded partners,” ayon sa ipinalabas na kalatas ng White House.
Kapwa naman winelcome nina Pangulong Marcos at Harris ang identification o pagkilala sa apat na karagdagang sites sa Pilipinas kung saan may access ang US forces sa ilalim ng Enhanced Defense Cooperation Agreement (EDCA).
“President Marcos and the Vice President also discussed opportunities to bolster bilateral economic cooperation and enhance economic resilience,” ayon sa kalatas.
Sa Twitter, ibinahagi ni Speaker Ferdinand Martin Romualdez ang mga larawan nina Pangulong Marcos at Harris na nag-uusap.
Makikita rin sa larawan si Romualdez at ang anak ng Pangulo na si Ilocos Norte Rep. Sandro Marcos, senior deputy majority leader sa Mababang Kapulungan ng Kongreso.
Sina Pangulong Marcos at Harris ay kapwa na sa ASEAN-US Summit sa Jakarta Convention Center, araw ng Miyerkules.
Winika naman ni Philippine Ambassador to Washington DC Jose Manuel “Babes” Romualdez na nais ng Estados Unidos at Japan na magkaroon ng trilateral meeting kasama si Pangulong Marcos sa sidelines ng summit.
Nakatakda namang lisanin nina Marcos at Harris ang Indonesia , ngayong araw ng Huwebes.
Sa kabilang dako, sinabi ni Pangulong Marcos sa ASEAN-US Summit na ang Estados Unidos ay isang “indispensable partner” ng ASEAN. Umaasa siya na ang malalim na ugnayan sa ‘superpower’ ay makatutulong sa hangarin ng Southeast Asian bloc na pangmatagalang kapayapaan.
“The US has always been an ally and an indispensable partner of ASEAN,” ang pahayag ni Pangulong Marcos sa kanyang intervention sa 11th ASEAN-US Summit.
“As we forge closer and deeper relationships in the coming years, we hope to continue working together towards a region that enjoys lasting peace, security, stability, and resilience,” dagdag na wika nito.
Para sa Punong Ehekutibo, ang Estados Unidos ay “more than just a longstanding, close, and reliable friend and ally of the Philippines.”
Ang Estados Unidos aniya ay ”undeniably ASEAN’s partner in achieving our collective goals and aspirations as nations, both on the domestic and international fronts.”
Sa kabilang dako, welcome naman kay Pangulong Marcos ang suporta ng Estados Unidos para sa ASEAN centrality at ang prinsipyo ng ASEAN Outlook on the Indo-Pacific (AOIP).
Aniya, “this envisioned a free and open Indo-Pacific that is more connected, prosperous, secure, and resilient.”
Pinuri naman ni Pangulong Marcos ang liderato ng Estados Unidos para sa kanilang pagsisikap na lumikha ng joint statement kasama ang Japan at South Korea, tinawag itong ”The Spirit of Camp David.”
“The Statement cemented a common security agenda among the United States, Japan, and South Korea on arguably the most problematic issues in the region—issues that undermine regional peace and prosperity, including but not limited to supporting the free and open international order based on the rule of law,” ayon sa Pangulo.
Kinontra kasi ng joint statement ang unilateral attempts na palitan ang status quo sa katubigan sa Indo-Pacific at ang militarisasyon ng ‘reclaimed features’ sa South China Sea.
Ipinahayag din ng joint statement ang alalahanin para sa nagpapatuloy na ‘illegal, unreported, and unregulated (IUU) fishing” na labis na nakaapekto sa mga mangingisda.
Binanggit din nito ang trilateral maritime exercise na isinagawa ng Coast Guards of the Philippines, Japan, at EStados Unidos na ayon sa Pangulo ay “aimed at strengthening humanitarian assistance and disaster relief cooperation.”
Nanawagan naman ang Pangulo sa ASEAN member-states na patuloy lamang na palakasin ang “connectivity at supply chains” sa RStados Unidos “to further expand mutual trade” sabay sabing “the US economic might in the region has been a positive force.”
Ipinagmalaki naman ng Pangulo na ang Estados Unidos ang “biggest source” foreign direct investment, na may market share na 22.5% noong 2022.
“We look forward to more investment inflows as well as a higher turnover of goods and services through the implementation of the ASEAN-US Trade and Investment Framework Arrangement and the Expanded Economic Engagement Work,” ang pahayag ng Pangulo.
Pinuri naman ng Pangulo ang Estados Unidos sa pagdating kasabay ng sabihan nito ang China na patuloy na igigiit ng Pilipinas ang 1982 UN Convention on the Law of the Sea (UNCLOS) at ang rule of law sa pagsasaayos sa maritime disputes.
Sa kanyang talumpati naman sa 43rd ASEAN Summit Retreat Session, nanawagan ang Pangulo sa ASEAN na huwag payagan ang international order na maging hamon ng anumang “hegemonic ambition” sa South China Sea (SCS).
Ang panawagan ng Pangulo ay matapos na tawagin nitong “misleading narratives that frame the disputes in the SCS solely [through] the lens of strategic competition between two powerful countries.”
Bagama’t hindi naman pinangalanan ng Pangulo ang bansa na tinutukoy nito, hindi naman lingid sa kaalaman ng lahat na ang Estados Unidos ay isa sa “staunchest and most vocal allies” ng Pilipinas sa territorial dispute nito sa China, kinasasangkutan ng bahagi ng South China Sea na tinawag naman ng Maynila na West Philippine Sea. (Daris Jose)
-
Vietnamese national na baon sa utang, nagkamatay sa Malabon
ISANG Vietnamese national ang nagpasyang magpakamatay sa pamamagitan ng pag-inum ng silver cleaner dahil sa problema dala ng isinampang kaso laban sa kanya nang mabaon sa utang dahil umano sa “Online Sabong” sa Malabon city. Sa report ni investigator on case PSSg Mark Alcris Caco kay Malabon police chief Col. Albert Barot, dakong […]
-
FDCP, Ipagdiriwang ang Pinakaunang Philippine Film Industry Month ngayong Setyembre
MAYNILA, PILIPINAS, AGOSTO 26, 2021 — Simula ngayong taon, ang Pilipinas ay opisyal na ipagdiriwang at gugunitain ang heritage, significance at legacy ng Philippine Cinema sa Philippine Film Industry Month ngayong Setyembre, ang buong buwan na taunang selebrasyon na isinautos ni President Rodrigo Duterte. Ang Film Development Council of Philippines (FDCP), bilang nangungunang […]
-
Canadian caddie ni Yuka na-heat stroke
Isinugod sa ospital ang Canadian caddie ni 2021 US Women’s Open Yuka Saso dahil sa heat stroke isang araw bago ang pagsisimula ng Tokyo Olympics women’s golf competition sa Kasumigaseki Country Club. Si Lionel Matichuk ay papalitan ni national team coach Miko Alejandro para gabayan si Saso, ayon sa National Golf Association of […]