PBBM kay Vince Dizon: Gawing madali ang buhay ng mga mananakay
- Published on February 21, 2025
- by Peoples Balita
INATASAN ni Pangulong Ferdinand ‘Marcos Jr. ang newly appointed na si Department of Transportation Secretary Vivencio ”Vince” Dizon na gawing madali ang buhay ng mga mananakay.
”Welcome aboard, Secretary Vince Dizon! We’re set to enhance physical connectivity and make life easier for the commuting public. Let’s get it done!” ang sinabi ni Pangulong Marcos sa kanyang social media post.
Nauna rito, pinamunuan ni Pangulong Marcos ang oath of office ni Dizon, na pinalitan si dating DOTr chief Jaime Bautista.
Si Dizon nagsilbi noon bilang Pangulo ng Bases and Conversion Development Authority (BCDA). Sa kasagsagan ng pandemiya, nagsilbi si Dizon bilang deputy chief implementer ng National Task Force Against COVID-19.
Samantala, ipinag-utos ni Dizon sa Toll Regulatory Board (TRB) na suspendihin ang implementasyon ng cashless toll collection sa lahat ng expressways, epektibo Marso 15, sabay sabing ang episyente ng automated toll collection ay dapat na sinusuri muna. (Daris Jose)
-
220 couples sa Bacolod, ikinasal na nakasuot ng face masks dahil sa COVID-19 scare
Aminado ang alkalde ng lungsod ng Bacolod na kakaiba ang isinagawang mass wedding kamakalawa kung saan 220 couple ang ikinasal. Ayon kay Mayor Evelio Leonardia, sinadya na 220 pares ang ikakasal dahil ibinatay ito sa petsa na Pebrero 20, 2020 o 02-20-2020, na hindi na mauulit. Ito rin aniya ang unang pagkakataon na […]
-
Wanted sa rape sa Antipolo, nakorner sa Malabon
LAGLAG sa selda ang isang construction worker na akusado sa kasong statutory rape matapos masukol ng pulisya sa manhunt operation sa Malabon City, kamakalawa ng gabi. Ikinasa ng mga operatiba ng District Special Operations Unit (DSOU) ng Northern Police District (NPD) ang pagtugis sa 27-anyos na akusado na kabilang sa mga Most Wanted Persons sa Antipolo […]
-
May bagong series sa YT channel: LIZA, on-hold pa ang Hollywood plans dahil sa strike
MAY bagong serye na susubaybayan kay Liza Soberano. Hindi nga lang ito sa telebisyon mapapanood kung hindi sa kanyang YouTube channel. Ang series niya ay ‘Liza In Korea.’ It’s a 15-episode series na every Wednesday at 8 pm ang drop simula noong September 13. Nagawa ni Liza na i-explore ang Korea. Proud siya na maipakita […]