• January 13, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

PBBM kumpiyansa, bagong electronic system ng gobyerno mapipigilan ang kriminalidad

UMAASA si Pangulong  Ferdinand Marcos Jr. na ang dalawang bagong electronic initiatives  na naglalayong i-streamline ang government processes ay makatutulong na mapigilan  ang kriminalidad sa bansa.

 

 

“I am optimistic that this system will be used to help curb criminality, lawlessness, and ensure immediate responses to various incidents around the country. Thereby making our communities safer and more secure for everyone,” ang bahagi ng naging talumpati ng Pangulo matapos pangunahan ang paglulunsad ng Electronic Local Government Unit (eLGU) System at People’s Feedback Mechanism (eReport) naglalayong i-digitalize  ang mga government service.

 

 

Ang “twin programs” aniya ay  “mark a paradigm shift in the way that the government and citizens interact with one another.”

 

 

Tinukoy nito na sa pamamagitan ng eLGU system, makaka-avail ang mga Filipino ng  local government services  kabilang na ang “business permit at licensing, local tax processing, local civil registration, real property tax, barangay clearance, at information dissemination.”

 

 

Aniya pa, makadaragdag aniya ito sa pagsisikap ng Anti-Red Tape Authority (ARTA) na alisin ang hindi kinakailangang  “layers of bureaucracy” at gawing mas mabilis at  epektibo ang transaksyon sa gobyerno.

 

 

Sa kabilang dako, ang eReport system, ay makapagpapalakas ng abilidad o kakayahan ng Philippine National Police (PNP) at Bureau of Fire Protection (BFP) upang mas maayos na makatugon sa mga “emergency needs” ng publiko.

 

 

Pinapayagan aniya rin nito ang mga mamamayan na “to voice real-time reports” sa pamamagitan ng kanilang mobile devices, gaya ng subalit hindi limitado sa krimen, fire incidents at iba pang  emergency situations

 

 

Tinuran pa ng Punong Ehekutibo na ang bagong inilunsad na  mga inisyatiba ay  “just a glimpse” ng maaaring ibigay ng digital revolution  sa lipunan at paraan kung paano gumawa ng negosyo ang pamahalaan.

 

 

“We are now living in a world where technology is occupying a vital and important part of our existence. Let us embrace it and see the good it can do for our society,” ayon sa Pangulo.

 

 

“There are even more profound changes that we can expect should we choose to apply technology in many aspects of our lives. I truly believe that digitalization is a hallmark of our progress as we move to the future,” dagdag na wika nito.

 

 

Samantala, hinikayat naman ng Pangulo ang lahat ng  local government agencies and LGUs na makipagtulungan  sa Department of Information and Communications Technology (DICT) habang ang pinagsama-sama ng gobyerno ang  lahat ng serbisyo sa kamakailan lamang na inilunsad na e-Gov PH Super App upang makamit ang nilalayon na maging multi-sectoral mobile application  para sa lahat ng government institutions at transaksyon.

 

 

Nanawagan din ang Pangulo sa DICT, Department of the Interior and Local Government (DILG), at LGUs na tiyakin ang epektibong implementasyon ng EO No. 32 para mapabilis ang implementasyon ng  infrastructure projects sa telecommunications industry upang sa gayon ay mapabilis  ang digital transformation ng bansa.

 

 

Ang eLGU at  eReport ay kapuwa nagsisilbi bilang “vital components” ng eGov PH Super App ng DICT, isang mobile application na pinagsama ang multi-sectoral government services sa iisang plataporma.

 

 

Ang mga sistemang ito ay suporta sa misyon ng pamahalaan na makapagbigay ng  one-stop-shop para sa sebisyo nito. (Daris Jose)

Other News
  • Hindi pagsama ni Sen. Marcos sa admin slate, OKs lang kay PBBM

    “THAT’S fine. That’s her choice.”     Ito ang naging tugon ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. nang tanungin ukol sa naging desisyon ng kanyang kapatid na si Senador Imee Marcos na hindi sasama sa administration senatorial slate.   Sa isang panayam sa Pangulo, sinabi nito na maaari namang sumama ang kanyang kapatid sa kampanya ng […]

  • DOJ: Extradition ni Teves, maaantala pa

    INAASAHANG maaantala pa ang extradition o pagbabalik sa Pilipinas kay dating Negros Oriental representative Arnolfo Teves, Jr.     Ipinaliwanag ng Department of Justice (DOJ) na kinakailangan pa kasing dumaang muli sa panibagong proceedings ang extradition case ni Teves sa Timor Leste bilang resulta ng procedural objections na isinagawa ng mga abogado nito.   Ayon […]

  • ‘Broken Blossoms’, umani ng parangal sa filmfest sa India: JERIC at THERESE, ginawaran ng Critics Choice Award bilang Best Actor at Best Actress

    UMANI ng parangal ang Philippine entry na Broken Blossoms sa Mokkho International Film Festival sa India.     Sa IG account ni Direk Louie Ignacio, pinost nito ang mga nakuhang awards ng dinirek niyang pelikula na bida sina Jeric Gonzales at Therese Malvar.     Caption pa niya: “Congratulations Team Broken Blooms. congrats Bentria Productions […]