• September 16, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

PBBM, kumpiyansa na sapat ang budget para sa Mayon-affected residents

KUMPIYANSANG sinabi ni Pangulong Ferdinand  Marcos Jr. na may sapat na pondo ang pamahalaan para bigyan ng karagdagang suporta ang mga pamilyang apektado ng kamakailan lamang na aktibidad ng Bulkang Mayon.

 

 

Sa isang ambush interview sa Taguig City, tinanong kasi si Pangulo Marcos kung may sapat na pondo para tulungan ang mga apektadong residente.

 

 

Naunang sinabi ng  Albay government na nangangailangan ito ng P166.7 milyong piso mula sa  national government para tiyakin na magpapatuloy ang pagbibigay ng tulong.

 

 

Sinabi ng Pangulo na inatasan na nito ang mga ahensiya ng pamahalaan na gamitin at ipamahagi ng maayos at naaayon ang pondo.

 

 

“I think in terms of the actual na gastos na ano, palagay ko, alam ko naman may budget tayo diyan, pero ang instruction ko sa kanila, pag-aralan ninyo ng mabuti, hindi ‘yung basta kayo bigay nang bigay ng pera, kailangan tingnan ninyo ano ba ang problema para maayos natin kung ano ang problema nila,” ayon kay Pangulong Marcos.

 

 

Hindi naman idinetalye ni Pangulong Marcos kung saan huhugutin ang pondo.

 

 

Sa situational briefing, ipinaliwanag ni Albay Gov. Edcel Greco Lagman na nangangailangan ang provincial government ng  P196,711,000 para tulungan ang mga bakwit sa loob ng 90 araw.

 

 

Sa nasabing halaga,  P156.71 milyong piso ang mapupunta sa  relief services; P5 milyong piso para sa tubig at sanitation; P10 milyong piso para sa  health emergency services; P10 milyong piso para sa temporary learning spaces; P5 milyong piso para sa  livestock evacuation; P5 milyong piso para sa  logistics; at P10 milyong piso para sa  emergency assistance.

 

 

Winika pa ni Lagman na ang P30 milyong piso mula sa  quick response fund ng lalawigan ay ginagamit na ng  provincial government.  (Daris Jose)

Other News
  • Mas nag-concentrate sa hosting at acting: RABIYA, itinangging na-insecure kay FAITH kaya nawala sa ’TiktoClock’

    NAGSALITA na si Miss Universe PH 2020 Rabiya Mateo tungkol sa pagkawala niya sa daily variety show ng GMA na ‘TiktoClock.’     May bulung-bulungan na na-insecure daw ito sa co-hosts na si Faith da Silva. Pero pinabulaanan ito ni Rabiya dahil close sila ni Faith. Mas mag-concentrate daw siya sa pag-host sa mga regional […]

  • Rafael Nadal masayang inanunsiyo na magiging ama na sa unang pagkakataon

    MASAYANG ibinahagi ni Spanish tennis star Rafael Nadal na ito ay magiging isan ama na.     Ito ay dahil sa buntis sa unang pagkakataon ang asawang si Mery Perello.     Ang nasabing pahayag ng 36-anyos na tennis champion ay bilang pagkumpirma sa naging usapin ng ilang linggo matapos na makita ang asawa na […]

  • Bakuna sa COVID-19 na galing US at Europa, nakakuha ng pinakamataas na confidence rate

    TINATAYANG 75% ang nagsasabing kumpiyansa sila sa bakunang manggagaling sa United States at Europa.   Ito ang naging pahayag ni dating DOH secretary at health expert na si Dra. Esperanza Cabral batay na rin sa survey na isinagawa ng UST COVAX Research Group.   Batay sa inilahad ni Esperanza na survey, lumalabas na wala pa […]