• December 14, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

PBBM, labis na nabahala sa Paeng death toll sa Maguindanao

NAGPAHAYAG nang labis na pagkabahala si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ukol sa mataas na  fatality count sa Maguindanao province  dahil sa  pagbaha  sanhi ng pananalasa ni Severe Tropical Storm Paeng.

 

 

Sa isinagawang  full council meeting ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC), araw ng Sabado, Oktubre 29, hiningan ng reports ng Pangulo ang iba’t ibang ahensiya ng pamahalaan ukol sa mataas na death toll sa lalawigan sabay sabing  “That seems very high for a flooding incident.”

 

 

“I would like to start with the flooding in Maguindanao simply because we have to already look at it dahil ang daming casualty, 67 kaagad. It will be important to us to look back and see why this happened na hindi natin naagapan ito na 67 ang casualty,” wika ng Pangulo.

 

 

“So, maybe if we can start with that first just to give me a better idea of what happened, what caused the flooding, and bakit hindi natin sila na-evacuate at nagkaganyan ang casualty napakataas,” dagdag na pahayag nito.

 

 

Sinabi ni Acting Defense Secretary Jose Faustino Jr.,  kaagad na  itinama ang pigura na 40 fatalities mula sa bilang na 67 sa meeting na isinagawa sa BARMM area, Sabado ng umaga.

 

 

“The report coming from BARMM initially was 67 [fatalities] for validation. They conducted a meeting this morning in the BARMM area and they have corrected the figure from 67 to 40,” ayon kay Faustino.

 

 

Base sa presentasyon, sinabi ni  BARMM chief minister Ahod Ebrahim na 40 fatalities ang tamang pigura, 27  ang naitala sa Datu Odin Sinsuat, anim sa Upi, lima sa Datu Blah Sinsuat, at dalawa sa  Barira.

 

 

Tinatayang 31 indibidwal ang naiulat na nasugatan 15 iba naman ang nawawala.

 

 

Sinabi ni Ebrahim kay Pangulong Marcos na ang mga apektadong residente  sa rehiyon ay nangangailangan ng  portable na tubig at malinis na tubig.

 

 

Inatasan naman ni Pangulong Marcos ang mga ahensiya ng pamahalaan na i-prayoridad ang pagde-deliver ng malinis na tubig at magkaroon ng follow-up na purifying systems sa mga naging biktima ng bagyo.

 

 

“Ang una muna naming [gawin], magpapadala kami bottled water lang, bottled water muna. But this is not going to be sufficient so we will eventually follow it up with, as you say, purifying systems para yung malalayo at least may maiinom silang tubig,” ani Pangulong Marcos.

 

 

Ipinag-utos din ng Pangulo na iprayoridad ang power restoration sa mga ospital at  evacuation centers.

 

 

Sinabi naman ni Maguindanao Bai Mariam Mangudadatu na  57.27%  ng mga residente sa lalawigan ang apektado.

 

 

Mayroon namang 83,326 pamilya o 416,630 indibiduwal ang apektado.

 

 

Tinanong naman ni Pangulong Marcos si Department of Science and Technology (DOST) Secretary Renato Solidum kung bakit walang advance warning hinggil sa pagbaha sa lalawigan.

 

 

“I just wanted to know why we had no advance warning that flooding in Maguindanao was going to be like this? I don’t think it happened in those areas before,” ang tanong ng Pangulo kay  Solidum.

 

 

Ang tugon naman ni Solidum, nagpalabas na sila ng  forecasts hinggil sa heavy rains at  flood advisories sa Mindanao.

 

 

“For the Maguindanao area, it was emphasized that the heavy rainfall due to the trough of low pressure [area] yun nga pong bagyo at shear line yung kaulapan will cause heavy rains in Mindanao, yun po ang nangyari,” ani Solidum.

 

 

“So essentially, although it is not directly related to the typhoon, there were already forecast that there will be heavy rains and they issued flood advisories in Mindanao,” dagdag na wika nito.

 

 

Sa kabilang dako, inatasan naman ni Pangulong Marcos ang  Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Benhur Abalos na tulungan ang  BARMM na kaagad na   ma-access ang  calamity funds.

 

 

“Sec. Benhur Abalos, tulungan natin ang BARMM because they can access calamity funds. Kung kailangan nila ng calamity funds, tulungan natin sila. Kasi as far as I know ang budget ng transition authority still has some funds that they can use so we can facilitate ‘yung kanilang pag-download ng calamity funds kung sakali mang kailangan pa para they have everything they need,” ani Pangulong Marcos.

 

 

Ani Abalos, pakikinggan niya ang panawagan ng Pangulo.

 

 

Inatasan din ng Punong Ehekutibo  si  Department of Energy Undersecretary Felix William Fuentebella  na ibalik ang suplay ng kuryente sa mga apektadong lugar sa lalawigan.

 

 

“The general instruction is always to find ways to bring it all back as quickly as possible,” anito.

 

Wala naman aniyang apektadong power plants sa lalawigan. Gayunman, sinabi nito na naapekuhan naman  ang  transmission at distribution lines.

 

 

“May affected na transmission at may affected po na distribution lines. Malaki ang coverage kasi. Some of them are already back but we need to come up more comprehensive report that give us a better picture. As far as the generation is concerned, no problem,” dagdag na pahayag nito.

 

 

Iniulat naman ni Department of Social Welfare and Development (DSWD) Secretary Erwin Tulfo na may kabuuang  P426,827 halaga ng tulong ang ibinigay sa mga apektadong pamilya sa mga rehiyon ng VI, VII, at Caraga.

 

 

Aniya, may  P413,282 ang mula sa  DSWD at  P49,590 naman ang mula sa local government units.

 

 

Mayroon naman aniyang sapat na  standby funds na may kabuuang  P1.5 billion.

 

 

“We have a total of P1,512,200,382.42 total standby funds and stockpile which we have enough. But we are already preparing because there is another typhoon loitering outside the Philippine Area Responsibility (PAR) dyan po sa Mindanao,” anito.

 

 

Ipinag-utos naman ni Tulfo sa national resources operation center,  na  nag-produced ng food packs, na maghanda na.

 

 

Inatasan ni Pangulong Marcos ang mga ahensiya ng pamahalaan na magpasaklolo sa LGUs para maibigay ang pangangailangan ng mga naging biktima ng bagyo.

 

 

“Pero yung iba din kailangan siguraduhin natin na kahit hindi sila nakapunta sa evacuation center nangangailangan sila. Patulong tayo sa mga LGU at puntahan natin ang mga ‘yon,” anito.

 

 

Iniulat naman ni Department Of Information And Communications Technology (DICT) Secretary Ivan John Uy na ‘unstable’ ang telecommunications sa ilang munisipalidad ng lalawigan.

 

 

Sinabi ni Uy na nagsagawa sila ng redeployed satellite phones sa municipal mayors.

 

 

“We redeployed satellite phones so we are waiting once weather [is better] we can also send it over via chopper,” ayon kay Uy.  (Daris Jose)

Other News
  • PBBM nagbigay pugay sa lahat ng nanay at tatay na nagpapaka-nanay

    NAGPAHAYAG ng pasasalamat si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa lahat ng mga ina, kabilang ang Unang Ginang Liza Araneta-Marcos, sa kanilang  sakripisyo ngayong Araw ng mga Ina.     Sa isang post sa social media nitong Linggo, pinarangalan ni Marcos ang lahat ng mga ina sa kanilang mga sakripisyo na nagpatibay sa pamilya at […]

  • Malakanyang, labis na nalungkot sa nangyaring C-130 mishap sa Sulu

    LABIS na ikinalungkot ng Malakanyang ang insidente ng pagbagsak ng C130 airplane ng Philippine Air Force nitong Linggo ng tanghali sa Patikul, Sulu.   Sinabi ni Presidential Spokesperson Harry Roque na nagpapatuloy ang rescue operations at nakikiisa sa pagdarasal ang Malakanyang para sa ligtas na pag-recover sa mga pasahero.   “Let us wait for the […]

  • Ads February 3, 2020