• July 13, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

PBBM, mananatiling nakatuon ang pansin na mapababa ang presyo ng langis

GINAGAWAN ng paraan ng administrasyong Marcos na mapababa ang presyo ng langis kahit pa ito’y para lamang sa Kapaskuhan.

“Yun ang tinatrabaho namin ngayon, na hindi tumaas ang fuel. At least not for Christmas man lang — if we could postpone and dahan-dahanin,” ayon kay  Pangulong Marcos.

“Masyado nang nahihirapan ang mga tao, ” diing pahayag ng Punong Ehekutibo.

Kamakailan lamang ay sinabi ng Department of Energy na hindi malayong magkaroon ng pagtaas sa presyo ng  liquefied petroleum gas sa susunod na buwan subalit Idinagdag nito na patuloy naman na mababawasan ang presyo ng ibang produkto ng langis.

Araw ng Martes, nagpatupad ang mga  oil companies ng panibagong another rollback, kung saan bumaba ng ₱3.9 per-liter ang presyo ng diesel habang  ₱0.85 naman ang gasoline.

Umaasa naman ang Pangulo para sa price adjustments ngayong Pasko Christmas sabay sabing “it looks like baka naman suwertihin tayo.” (Daris Jose)

Other News
  • Matapos umariba sa 2023 Billboard Fan Army Face-Off: SB19, muling nag-perform sa American morning show na ‘Good Day New York’

    INIHAYAG ng SB19 ang kanilang pasasalamat at pagiging proud sa kanilang fandom na A’TIN na umariba sa 2023 Billboard Fan Army Face-Off.     Sa kanilang IG Live, inilahad ng SB19 members na sina Justin, Pablo, Stell, Ken at Josh ang pasasalamat nila sa A’TIN.     “Maraming maraming salamat! You guys are amazing,” sabi […]

  • Ads November 15, 2023

  • Mga bakuna na inilaan sa NCR, walang napanis- Abalos

    WALANG nasayang o napanis na coronavirus disease (COVID-19) vaccines na inilaan sa National Capital Region (NCR) dahil napaso’ o expired na.   “On record I would like to state this, dito po sa atin, of course sa ating mga alkalde…Ni isang bakuna ay walang nag-expire sa kalakhang Maynila,” ang pagtiyak ni Metropolitan Manila Development Authority […]