• September 15, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

PBBM, mas gustong mag-produce ang Pinas ng sarili nitong farm machineries

NAIS  ni Pangulong Ferdinand  Marcos Jr. na gumawa ang Pilipinas ng sarili nitong farm machineries. 
Napansin kasi ng Pangulo na masyado ng umaasa ang PIlipinas sa pag-angkat o importasyon.
Ayon sa Chief Executive, kailangan na i-develop ng bansa ang kakayahan nito na mag-produce ng sarili nitong farm machineries.
Tinukoy naman ng Pangulo ang mga nagawang trabaho ng Philippine Center for Postharvest Development and Mechanization (PhilMech) sa pakikipagtulungan sa mga  foreign partners.
Ang PhilMech aniya ay mayroong locally manufactured machineries para sa “planting, cultivation, harvesting, at maging iyong nakalaan para sa  post-production.”
Karagdagan aniya ito sa ibang serbisyo gaya ng loans at transport services sa mga magsasaka at consumers.
“[Mag-] manufacture tayo ng sarili natin nang sa ganun ay hindi na kailangan tayo umasa sa importation,” ayon sa Pangulo sa isinagawang pamamahagi ng tulong sa  Nueva Ecija, araw ng Lunes, Abril 24.
Sinabi ng Pangulo na “the country’s reliance to imports was felt during the pandemic lockdowns, stressing that with locally-manufactured equipment, the country is prepared to address food supply related problems in similar situation as the pandemic.”
“Ang lahat ay kailangan nating tingnan at pag-aralan para makahanda tayo. Na kung sakali ito’y mauulit ay tayo naman ay may gagawin. Mayroon tayong nakahanda at masasabi natin kahit hindi na tayo mag-import ay mayroon tayong sapat na supply na pagkain para sa ating mga mamamayan. ‘Yan po ang ating hangarin,” ayon pa rin kay Pangulong Marcos.
“Developing the Philippine agriculture sector to boost the economy and ensure food security is the overall goal not only of the Department of Agriculture, but the entire government,” dagdag na wika nito.
Sinabi pa ng Pangulo na patuloy na lumilikha ang pamahalaan ng mga plano para matiyak ang sapat na suplay ng tubig gaya ng “redesigning dam construction at solar power use.”
“The government is also looking at improving research and development to increase agricultural productivity depending on the season,” ayon sa Punong Ehekutibo.
(Daris Jose)
Other News
  • Gobyerno, may ginagawa nang paghahanda para matiyak na hindi makapapasok sa bansa ang bagong variant

    TINIYAK ng Malakanyang na may ginagawa nang paghahanda ang pamahalaan para masigurong hindi makapapasok sa bansa ang napaulat na bagong variant ng COVID-19 na Lambda variant na una ng natukoy sa Peru.   “Alam mo, lilinawin ko pa ho. Kahit ano pang variant ‘yan, kapareho po ang ating katugunan. Unang-una, iyong ating border control, pinagbabawalan […]

  • Lider at mga miyembro ng Socorro Bayanihan Service Inc. sinampahan na ng 21 kaso – DOJ

    SINAMPAHAN  na ng Department of Justice ng kasong kriminal sa korte sa Surigao laban sa mga miyembro ng Soccoro Bayanihan Service Inc.     Ayon kay Justice Secretary Jesus Remulla na ang mga kasong isinampa ay kinabibilangan ng Qualified Trafficking in Persons, Facilitation of Child Marriage, Solemnization of Child Marriage at Child abuse laban kay […]

  • Nagtapos na summa cum laude sa Psychology course: SHERYL, emosyonal na ipinagmalaki ang anak na si ASHLEY

    IPINAGMALAKI ni Kapuso actress Sheryl Cruz sa kanyang Instagram post, ang pagtatapos ng anak niyang si Ashley Bustos.      Nagtapos ito na summa cum laude sa Psychology course nito sa San Francisco State University this May. IG caption ni Sheryl: #BestMother’sDayGiftI’veEverHad #LearningthatAshleyisgraduatingSummaCumLaudethisMay2023,#SoProud&BlessedtohaveYouAnak.”     Naging emosyonal si Sheryl na hindi makapaniwalang napagtapos ang anak  at […]