PBBM, muling nanawagan kay Cong. Teves na umuwi na ng Pinas
- Published on May 13, 2023
- by @peoplesbalita
PINAYUHAN ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. si Negros Oriental Rep. Arnolfo Teves Jr. na magbalik-Pinas na at harapin ang alegasyon laban sa kanya ukol sa pagpatay kay Negros Oriental governor Roel Degamo at iba pa.
“Come home. That’s the best advice I can give him. Come home,” ayon kay Pangulong Marcos bilang tugon sa tangong kung ano ang maipapayo niya sa mambabatas.
Kinapanayam ang Pangulo ng mga miyembro ng media habang lulan ito ng PR 001 habang pabalik ng Pilipinas matapos dumalo sa 42nd ASEAN Summit sa Labuan Bajo, Indonesia.
Ayon sa Pangulo, sinabi sa kanya ni Timor-Leste Prime Minister Taur Matan Ruak sa kanilang bilateral meeting na humirit ng political asylum si Teves sa huli.
“Yes. It turns out that Congressman Arnie Teves applied for political asylum but was denied. Ganun lang. So I think they will continue to be — to go to the process,” ang pagbubunyag ng Pangulo.
“May appeal process para sa — those who are applying… but na-deny so we’ll just wait for the process to complete,” anito.
Dahil dito, pinasalamatan naman ng Pangulo si Ruak para sa agarang pag-aksyon sa aplikasyon ni Teves.
Malugod aniyang ikinatuwa ng gobyerno ng Pilipinas ang mabilis na desisyon ni Rual dahil mas magiging mabilis na aniya na maibabalik sa Pilipinas si Teves para sagutin ang alegasyon laban sa kanya.
Samantala, iniulat naman ng Department of Foreign Affairs (DFA) na binasura ng Timor-Leste ang aplikasyon ni Teves’ para sa political asylum at ipinag-utos dito na kaagad na lisanin ang bansa sa loob ng limang araw. (Daris Jose)
-
Pinag-iisipan kung ano ang magiging timeslot: Show ni LUIS, posibleng makatapat sa pagbabalik sa ere ni WILLIE
FROM an ABS-CBN insider na ayaw magpabanggit ng pangalan ay nalaman naming nakatakdang magbabalik sa ere ang “It’s Your Lucky Day” ni Luis Manzano. Nope, hindi raw naman ito ang magiging kapalit ng natsugi sa ere na “Tahanang Pinakamasaya.” Nalaman din namin na ang “It’s Showtime” na nga ang makatatapat pa […]
-
SIM Registration Act magiging epektibo na sa Disyembre 27
MAGIGING epektibo na sa Disyembre 27 ang SIM Registration Act. Kasunod ito ng pagpapalabas ng National Telecommunications Commission (NTC) ng implementing rules para sa nasabing usapin. Nakasaad sa nasabing panuntunan na nirerequire ang lahat ng mga mobile subscriber na i-enroll ang kanilang SIM cards sa loob ng 180 araw o anim […]
-
Pacquiao nagpahiwatig ng posibleng pag-retiro kasunod nang pagkatalo vs Ugas
Kasunod ng kanyang unanimous decision loss kay Yordenis Ugas sa kanilang bakbakan kahapon sa T Mobile Arena sa Las Vegas, nagpahiwatig si Manny Pacquiao na posibleng isasabit na niya ang kanyang boxing gloves makalipas ang ilang dekadang pagsabak sa itaas ng lona. Sa kanilang post fight press conference, sinabi ni Pacquiao na maraming […]