PBBM, muling pinagtibay ang suporta para sa mga tauhan ng AFP
- Published on January 19, 2024
- by @peoplesbalita
MULING pinagtibay ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang kanyang suporta para sa mga uniformed members ng Armed Forces of the Philippines (AFP) sa gitna ng tuloy-tuloy na ‘tsismis” na destabilization plot laban sa kanyang administrasyon sa loob ng military at Philippine National Police.
Ang posisyon na ito ng Pangulo ay matapos na ipatawag niya at makapulong sina AFP Chief of Staff Romeo Brawner at commanding officers ng “3 branches of services” ng military sa Palasyo ng Malakanyang.
Present sa nasabing pulong si PNP Chief Gen. Benjamin Acorda at Iba pang top police officials ng bansa.
Nauna rito, inanunsyo ng Pangulo na inaprubahan na niya ang “a specific budget for rice subsidies and Tertiary Health Care at the AFP Medical Center for advanced medical services and overall wellness support.”
Samantala, makailang ulit namang itinanggi ng AFP at PNP ang nasabing ‘tsismis” na ang miyembro ng mga ito ay nagpa-plano ng destabilisasyon laban sa administrasyong Marcos. (Daris Jose)
-
Barbie, tanggap na tanggap na bagong girlfriend ni Diego
PABOR at kinikilig si Teresa Loyzaga sa bagong pag-ibig ng kanyang anak na si Diego Loyzaga. Nagpakita ng kanyang suporta si Teresa sa pag-comment sa post ni Diego kunsaan kasama nito ang bagong girlfriend na si Barbie Imperial. “Happy looks so good on both of you! Hija @msbarbieimperial and my son […]
-
DEEP INSIDE MY HEART (Chapter 42) Story by Geraldine Monzon
NAG-ALALA si Bela nang malaman na nasa ospital si Jeff kaya nagpilit itong sumama kay Manang Sonya. Nagpaalam siya sa kanyang mga magulang at sa kanyang Mama Cecilia. Inihatid sila ni Mang Delfin gamit ang kotse ni Bernard patungo sa ospital. Nagmamadali sina Bela at Manang Sonya pagpasok sa ospital. Sa information area agad […]
-
Guo pinapa-obligang maglabas ng record kung paano nagastos ang P1.1-B sa kaniyang account
IPINAG-UTOS ni Senate committee on women, children, family relations and gender equality chairman Senator Sherwin Gatchalian ang pagpapalabas ng subpoena para obligahin si dating Bamban Mayor Alice Guo na maglabas ng mga records ukol sa nadiskubreng check disbursements na nagkakahalaga ng P1.1 bilyon mula sa kaniyang account. Dagdag pa ni Gatchalian na hindi […]