• September 16, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

PBBM, nababahala sa posibleng service delays kung babawiin ang prangkisa ng NGCP

NAGPAHAYAG ng pangamba si Pangulong  Ferdinand Marcos Jr. hinggil sa epekto ng situwasyon ng power supply kung ang prangkisa ng  privately owned National Grid Corporation of the Philippines (NGCP) ay mapawawalang-bisa.

 

 

Ayon kay Pangulong Marcos,  maaaring mahirapan na makahanap ng kapalit para sa power grid operator, posibleng maging dahilan ng service disruptions.

 

 

“I think however we handle the franchise problem, kung tanggalin natin ‘yung prangkisa, kunin ng gobyerno, ibigay natin sa ibang korporasyon [if we revoke the franchise, if the government takes control, or if we give it to another corporation], whatever it is, but the delay that will be caused is the problem that we have,” ang sinabi ng Pangulo sa isang panayam.

 

 

“Tatanggalin mo ‘yung prangkisa, ‘yung nandyan ngayon, tanggal silang lahat. Saan natin kukunin ‘yung kapalit?,” dagdag na wika nito.

 

 

Magkagayon man,  hindi naman “categorically oppose” si Pangulong Marcos sa panukalang rebokasyon o pagpapawalang-bisa sa prangkisa ng NGCP.

 

 

Sa ulat, posibleng  matanggalan ng prangkisa ang NGCP dahil sa iba’t ibang problema sa kuryente sa bansa.

 

 

Araw ng Miyerkules ay umarangkada ang pagdinig ng Senado sa iba’t ibang problema ng suplay ng kuryente  sa bansa.

 

 

Sa pagdinig ng Senate Committee on Energy ay nasermonan ang NGCP, ang pribadong kompanya na namamahala sa transmission ng kuryente sa Pilipinas.

 

 

Pinag-initan ng mga senador ang umano’y delay sa transmission projects.

 

 

Pinuna rin na ang umano’y 95% na kita ng NGCP ay napupunta umano sa mga bulsa ng mga shareholders at hindi sa pagpapaunlad ng kanilang serbisyo.

 

 

Uminit din ang ulo ni Tulfo nang makumpirma na binara ng NGCP ang mga tauhan na pinadala ng Transmission Commission para sa isang surprise inspection.

 

 

Sinabi pa ni Tulfo na ang mga pagkakamali ng NGCP ay posibleng maging dahilan sa pagka-revoke ng kanilang prangkisa.

 

 

Subalit kung ang prangkisa aniya ay susuriing mabuti, sinabi ng Pangulo na kinokonsidera niya na mahalaga rin ang  performance ng korporasyon at pagtalima sa kontrata.

 

 

“It is really the performance,” ayon kay Pangulong Marcos sabay sabing “Halimbawa, bakit nagkakaroon ng outage sa Negros at saka Panay Island.”

 

 

“And there was very clear agreement in the contract as to what, how much investment the grid corporation will put in. Pinag-aaralan ngayon nagawa ba talaga nila lahat ‘yun? Kung nagawa nila lahat ‘yun, bakit kulang pa at nagkakaganito? That’s the issue at hand for me,” pagpapatuloy nito. (Daris Jose)

Other News
  • Angelica, nag-comment sa post ni Gregg Homan na tinawag siyang ‘Honn’

    MATAPOS ngang ma-link si Angelica Panganiban kay Zanjoe Marudo na sinasabing ‘rumored boyfriend’ na kanilang sinakyan lang, patuloy ang pagko-comment ng netizens sa isa pang photo nila at ang ilan ay hindi talaga naniniwala dahil pareho raw silang may ka-relasyon.   Ilang sa naging comment nila:   “Kung sinasabi niyong walang respeto si Angge sa […]

  • Navotas Youth Camp

    INILUNSAD ng pamahalaang lungsod ang Navotas Youth Camp para sa mga kabataang Navoteño upang tamasahin ang kanilang bakasyon sa paaralan habang hinahasa ang kanilang mga kasanayan sa palakasan at sining, bilang bahagi ng 17th Navotas cityhood anniversary. Pinuri naman ni Mayor John Rey Tiangco ang mga kalahok sa pagsusumikap sa kanilang school break. Nasa 477 […]

  • Ads January 17, 2020