• September 15, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

PBBM, nagbabala ng panganib sa poultry, livestock; hinikayat ang publiko na maging bigilante

SINABI ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., na nananatiling may panganib sa poultry at livestock sa kabila ng development sa bakuna laban sa animal viral diseases.

 

 

Ayon sa Pangulo, kailangang tingnan ng gobyerno ang usaping ito.

 

 

Sa pagsasalita ng Pangulo sa pagbubukas ng Livestock Philippines 2023, araw ng Miyerkules, Hulyo 5, binigyang diin ni Pangulong Marcos ang pangangailangan na tuklasin at pigilan ang paglaganap ng mga animal diseases  gaya ng African swine fever (ASF) at avian influenza.

 

 

Inanunsyo ng Pangulo ang pagkumpleto ng phase one ng  ligtas at  epektibong pagsubok para sa  ASF vaccines.

 

 

Sinabi nito na natuklasan ng Bureau of Animal Industry na mag-produce ng sapat na antibodies at maging ligtas kapag ginamit.

 

 

Idinagdag pa nito na ang  Philippine Food and Drug Administration “is on track to issue a certificate of product registration for these vaccines while phase two trials are underway.”

 

 

Ang Pangulo, kasalukuyang Agriculture secretary ay nagpahayag na may progreso ang ginagawa ng pamahalaan pagdating sa  pagbili ng Avian Influenza vaccines.

 

 

Gayunman, pinaalalahanan nito ang gobyerno na huwag maging kampante hinggil sa  availability ng mga bakuna.

 

 

“This gives us great hope as we have been waiting for this for a very long time. However, it is not a reason for complacency as we are being continuously warned by those who have studied the vaccine. The vaccine is 80 percent effective. There is still a 20 percent that we need to look out for very carefully,” ayon sa Pangulo.

 

 

“But nonetheless, there is still a danger and it is something that we need to look out for,”  aniya pa rin.

 

 

Batid naman ng Chief Executive  na  “there is much work to do,” hinikayat ang Department of Agriculture (DA) na ituloy ang pagbuo ng partnerships sa  academe at pribadong sektor  para makaisip ng solusyon para lipulin ang mga nasabing sakit na  patuloy na nagbibigay kalituhan at pahamak sa livestock at poultry subsectors ng bansa.

 

 

“I also urge all concerned government agencies and stakeholders to engage in productive dialogue and share our best ideas, practices, and technologies to advance our poultry and livestock industries,” ang wika ni Pangulong Marcos.

 

 

“Rest assured that the government stands firm with you in overcoming our present challenges by implementing data and science-based policies and programs,” lahad ng Punong Ehekutibo.

 

 

Samantala, muli namang inihayag ng Pangulo ang kanyang commitment na maghanap ng paraan para itaas ang kinikita ng mga Filipinong magsasaka  “so that they can lead a dignified and comfortable life and return to the profession a sense of pride that has been lost over the years.”

 

 

Hinikayat din niya ang lahat ng mga stakeholders na “make the most of the knowledge and tools made available at the trade fair to establish a more food-secure, sustainable, and resilient Philippines.”

 

 

Ang Livestock Philippines 2023 ay isang international trade fair para sa  innovative production at  processing ng  poultry at livestock.

 

 

Inorganisa ito ng  Informa Markets,  nangungunang  global events at exhibitions company na dalubhasa sa pag-organisa ng mga  trade shows gaya ng  Livestock Philippines.

 

 

Ang  three-day event ang dahilan para magsama-sama ang 300 local at international exhibitors  mula sa  20  bansa.

 

 

“Through Livestock Philippines 2023, Informa Markets aims to support the development of livestock industry in the Philippines, promote best practices, highlight technological advancements and facilitate trade opportunities,” ayon sa ulat.  (Daris Jose)

Other News
  • Sino pa kaya ang gay celebrities ang lalantad?: RAYMOND, inamin na may boyfriend na at walang dapat itago

    SA podcast ni Wil Dasovich noong June 11 ay ininterbyu niya si Raymond Gutierrez at napunta sa topic ng lovelife ang usapan nila.       Inamin ni Raymond na mayroon siyang boyfriend.       “What is there to hide? There is nothing to hide. If the pandemic taught us one thing, it’s to […]

  • PDu30, inatake ang Senado sa ginagawa nitong imbestigasyon ukol sa multibilyong pisong halaga ng COVID-19 pandemic na binili ng Pilipinas

    MULING inatake ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang Senate blue ribbon committee sa gitna ng isinasagawa nitong imbestigasyon hinggil sa multibilyong pisong halaga ng COVID-19 pandemic na binili ng Pilipinas.   Sa kanyang Talk to the People, araw ng Miyerkules, muling kinastigo ni Pangulong Duterte si Senator Richard Gordon, chairman ng nasabing komite at tinawag […]

  • Ads October 23, 2021