PBBM, nagpaabot nang pagbati sa PSG ukol sa pagtatapos sa isinagawang VIP Protection Course
- Published on October 26, 2022
- by @peoplesbalita
NAGPAABOT nang pagbati kasabay ng pagpuri si Pangulong Ferdinand R Marcos Jr. sa Presidential Security Group (PSG) hinggil sa ibinigay nitong serbisyo at ipinakitang dedikasyon sa ngayon at sa nakalipas na taon.
Sa naging mensahe ni Pangulong Marcos ukol sa pagtatapos sa isinagawang VIP Protection Course ng PSG, tinuran nito na hindi lamang kapuri- puri ang debosyon ng PSG na mapangalagaan siya at ang First family kundi pati na ng iba pang VIPs.
Nakiisa naman sa nasabing okasyon si Presidential son Ilocos Norte Congressman Sandro Marcos na tumayong kinatawan ng kanyang ama at nagpaabot din ng kanyang mensahe.
Sa kabilang dako, kasama naman sa mga nagsipagtapos sa VIP Protection Course at bahagi ng Classes 129-2022 and 130-2022 ay ang aktor na si Mateo Guidicelli.
Winika ni 2nd Lt. Guidicelli, isang malaking karangalan na siya’y bahagi na ng Presidential Security Group matapos na mapiling sumailalim sa naturang pagsasanay at maging parte na ng elite force na magngangalaga sa Presidente at sa First family.
Si Guidicelli na isang reservist Ng Philippine Army ay Ang kauna-unahang celebrity reservist na magiging miyembro ng Presidential Security Group.
Samantala, sinaksihan naman ni Philippine Popstar Royalty Ms. Sarah Geronimo-Guidicelli, asawa ni Guidicelli ang pagtatapos ng huli sa kanyang VIP Protection Course. (Daris Jose)
-
Anthony Davis, sumabak na uli sa ensayo; makakasama rin ng Lakers sa seeding games opener vs Clippers
Makakasama na ng Los Angeles Lakers si superstar Anthony Davis sa kanilang seeding games opener kontra sa karibal nilang Los Angeles Clippers. Una rito, hindi nakasama si Davis sa ensayo ng Lakers nitong nakalipas na araw matapos ang natamo nitong eye injury sa isa sa mga scrimmage ng koponan. Pero ngayong bisperas ng […]
-
PH Sports Hall of Fame
INANUNSIYO ng Philippine Sports Hall of Fame (PSHOF) 2020 Committee na pinangungunahan ni Philippine Sports Commission Chairman William Ramirez, na sa Marso na ang nominasyon para sa iluluklok sa Sports Hall of Fame. “This is good that we met early so we have ample time to study the nominations,” ani Ramirez habang sinasalubong ang […]
-
Kawalang trabaho tumalon sa 4.5% nitong Hunyo, ayon sa PSA
UMAKYAT ang bilang at porsyento ng walang trabaho sa work force ng Pilipinas matapos itong humataw sa 2.33 milyon nitong Hunyo, mas mataas ng 159,000 kaysa noong Mayo 2023. Ito’y matapos lumobo 4.5% ang unemployment rate para sa naturang buwan, mas mataas kumpara sa 4.3% bago ito, sabi ng Philippine Statistics Authority (PSA) nitong Miyerkules. […]