PBBM, nagpasaklolo na sa private banks sa pagtugon sa housing backlog
- Published on October 29, 2022
- by @peoplesbalita
NAGPASAKLOLO na si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa private banks at hiniling na makipagtulungan sa government financial institutions sa paggawa ng sistema na magpopondo para sa housing program ng kanyang administrasyon.
Sinabi ng Office of the Press Secretary (OPS), tinuran ni Pangulong Marcos ang “indispensable support” ng private banking sector sa idinaos na pulong sa Palasyo ng Malakanyang kasama ang ibang opisyal kung saan tinalakay ang housing backlog ng bansa.
Ayon sa OPS, ang backlog ay tinatayang aabot sa 6.5 million units sa pagtatapos ng termino ni Pangulong Marcos sa 2028.
Nauna rito, sinabi ni Department of Human Settlements and Urban Development (DHSUD) Secretary Jose Acuzar, para matugunan ang bagay na ito, layon nila na magtayo ng isang milyong pabahay kada taon sa ilalim ng administrasyong Marcos na nangangailangan naman ng annual budget na ₱36 billion.
Upang maisakatuparan ang “ambitious program” ng Pangulo, sinabi ng OPS na nais ng Punong Ehekutibo na lumikha ng financing system “to find the country’s cash flow that will support the endeavor.”
Ipinanukala rin ng Pangulo, ayon sa OPS ang incentivizing private entities na makatutulong sa pagsisikap na ito.
“I think we can, there should be sufficient incentives… [an] arrangement for the private banks to come in,” ayon kay Pangulong Marcos.
Maliban kina Pangulong Marcos at Acuzar, ang miting ay dinaluhan ng mga pinuno ng Bangko Sentral ng Pilipinas, Bureau of Treasury, Pag-IBIG, Government Service Insurance System, Philippine National Bank at Land Bank of the Philippines.
Idinagdag pa ng OPS na nagpahayag ng kani-kanilang pagsuporta ang mga kinatawan ng BDO, Metrobank, Union Bank, Ayala Corporation, at China Bank sa housing program ng administrasyong Marcos, sabay sabing tutulong sila sa pag-develop ng financing system. (Daris Jose)
-
IBP sa IATF: Mga abogado isama rin sa priority groups sa vaccine
Humihirit din ang Integrated Bar of the Philippines (IBP) na isama na rin na mauuna sa pagbabakuna ang mga abogado sa sa bansa. Sa sulat ni Atty Domingo Cayosa kay vaccine czar Carlito Galvez, ipinaliwanag nito kung bakit matatawag din na legal frontliners ang mga abogado. Aniya, ang mga officers of […]
-
Omicron 2 ulit na mas nakakahawa sa Delta
Pinaniniwalaan ng independent OCTA Research Group na dobleng mas nakakahawa umano ang bagong Omicron variant kaysa sa Delta variant ng COVID-19 base sa datos na lumalabas mula sa South Africa. Sinabi ni Dr. Guido David, fellow ng OCTA, na dalawang beses na mas maaaring maipasa ang COVID-19 Omicron variant na nananalasa ngayon sa […]
-
May dalawang teleserye na dapat abangan: LEANDRO, ipinagmamalaki ang inukit sa kahoy na ‘Voltes V’
ANG bongga naman nang inukit na Voltes V figure ng dating sexy actor na si Leandro Baldemor na pinost niya ang finish product sa kanyang Facebook na punum-puno ng detalye. Ayon kay Leandro nasa 5’2” ang taas nasabing figure na pinagawa ng isang Voltes V collector, na humigit-kumulang ay dalawa’t kalahating buwan na […]