PBBM, nagtalaga na ng bagong Director General ng PIA
- Published on May 26, 2023
- by @peoplesbalita
OPISYAL nang nagtalaga si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ng bagong Director General ng Philippine Information Agency (PIA).
Sa inilabas na mga bagong appointee Ng Presidential Communications Office (PCO) kasama si Jose Torres Jr sa mga newly appointed officials na kung saan, siya ay itatalaga sa PIA bilang Dir Gen.
Si Torres ang papalit sa iniwang puwesto ni Mon Cualoping na una ng naghain ng kanyang letter of resignation noong Abril 4.
Si Torres ay editor-at-large ng Catholic Asian news site na LiCAS.news at editorial consultant ng Radio Veritas Asia.
Si Torres ay nakapagtapos ng kanyang Multimedia Journalism studies sa Konrad Adenauer Asian Center for Journalism sa Ateneo de Manila University. (BISHOP JESUS “JEMBA” M. BASCO)
-
Teves, may kondisyon pa sa pag-uwi
NAGSUMITE ng ilang kundisyon ang kampo ni Negros Oriental Rep. Arnolfo Teves Jr. sa Kamara para bumalik siya ng Pilipinas. Sinabi ni Atty. Ferdinand Topacio, legal counsel ni Teves, hindi naman mahihirap ang mga kundisyong inilatag nila kay Speaker Martin Romualdez na para lamang sa seguridad ni Teves. Tumanggi naman siyang tukuyin ang […]
-
Go back to the beginning in the new “Hush” featurette from “A Quiet Place: Day One”
WHEN they hear you. They hunt you. The new futuristic thriller. A Quiet Place: Day One, takes audiences back to the day the world went quiet. “We have gone back to the beginning of what happened before the creatures invaded the Earth,” explains Lupita Nyong’o (Black Panther), who plays one of the lead characters Samira. […]
-
PDu30, iginiit ang Asia-Europe partnership para sa mas malakas na socioeconomic recovery
IGINIIT ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang pagtutulungan ng Asya at Europa para sa inclusive socioeconomic recovery base sa prinsipyo ng “justice, fairness, and equality” upang matugunan ang hamon na bitbit ng coronavirus (COVID-19) pandemic. Inihayag ito ni Pangulong Duterte sa Second Plenary Session ng 13th Asia-Europe Meeting (ASEM) Summit sa Malakanyang, araw ng […]