• September 15, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

PBBM, nakikita ang progreso sa “fishing talks” sa pagitan ng Pinas at China

MAY nakikitang progreso si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa “fishing talks” sa pagitan ng Pilipinas at China sa kabila ng kamakailan lamang na ulat na may isang Chinese navy vessel ang bumubuntot sa BRP Francisco Dagohoy mula Pag-asa Island at pabalik ng Palawan.

 

 

Ang nasabing insidente ay nangyari noong Biyernes, June 16,2023.

 

 

Sa isang ambush interview sa Quezon City, sinabi ng Pangulo na ang latest na report ay sinundan na lang ng Chinese navy vessel ang BRP Francisco Dagohoy kung saan hindi kagaya dati na hinaharang nito ang mga Filipino na mangingisda.

 

 

“So, there’s a little progress there,” ayon sa Pangulo.

 

 

Idinagdag pa ng Pangulo, “Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) has even projected bigger haul for Filipino fishermen due to the improved situation in the area.”

 

 

“That is because we are continuing to talk to the Chinese government, President Xi [Jinping], in every way,” ayon kay Pangulong Marcos.

 

 

Winika pa nito na nang makipagpulong siya kay  Xi nito lamang Enero ng kasalukuyang taon,  nakatuon aniya siya sa usapin ng pangingisda sa halip na territorial dispute hinggil sa West Philippine Sea (WPS).

 

 

“Ang inuna ko talaga noong kami ay nagkita, unahin na lang natin ‘yung ating fisheries. Huwag na natin pag-usapan ‘yung teritoryo dahil hindi naman tayo makakapag-decide ngayon dito na nag-uusap tayo. Unahin natin ‘yung mga fisheries, dahil sinasabi ko, wala namang kasalanan ang mga tao bakit natin paparusahan,” ayon sa Pangulo. (Daris Jose)

Other News
  • DEEP INSIDE MY HEART (Chapter 42) Story by Geraldine Monzon

    NAG-ALALA si Bela nang malaman na nasa ospital si Jeff kaya nagpilit itong sumama kay Manang Sonya. Nagpaalam siya sa kanyang mga magulang at sa kanyang Mama Cecilia. Inihatid sila ni Mang Delfin gamit ang kotse ni Bernard patungo sa ospital.   Nagmamadali sina Bela at Manang Sonya pagpasok sa ospital. Sa information area agad […]

  • Kelot kulong sa pagbebenta ng bari sa Caloocan

    BINITBIT sa selda ang isang lalaki matapos bentahan ng baril ang isang pulis na nagpanggap sa Caloocan City. Pinosasan kaagad ng mga tauhan ni Caloocan police chief P/Col. Ruben Lacuesta si alyas “Otep” nang tanggapin ang markadong salapi sa pulis na nagpanggap na buyer kapalit ng kalibre .22 na revolver na may kargang isang bala […]

  • Parang magkapatid lang ang turingan: Anak ni SUNSHINE na si ANGELINA, mas priority ang pag-aaral kesa mag-showbiz

    KUHANG-KUHA ang inis at gigil ng netizens at viewers ng “FPJ’s Batang Quiapo” sa nangyayari ngayon sa kuwento, lalo na sa pagtira ng karakter ni “Lena” na ginagampanan ni Mercedes Cabral, sa bahay ni “Rigor” na ginagampanan ni John Estrada, kasama ang legal na misis na si “Marites” na si Cherry Pie Picache naman ang […]