• September 27, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

PBBM namahagi ng cash aid sa mga mangingisdang Navoteño

NAKATANGGAP ng P7,500 cash assistance ang mga rehistradong mangingisda sa Navotas mula kay Pangulong Bongbong Marcos, kasabay ng pagdiriwang ng kanyang kaarawan noong Septembre 13.

 

 

Ang P43,415,000 na pondo sa ilalim ng Presidential Assistance to Fisherfolks Affected by Oil Spill ay ipapamahagi sa humigit-kumulang 4,000 Navoteñong mangingisda na nakikibahagi sa small and medium-scale fishing.

 

 

Nagpasalamat naman si Mayor John Rey Tiangco at Cong. Toby Tiangco sa mga programa ng Pangulo na pinakikinabangan ng mahihirap na sektor, partikular sa industriya ng pangingisda.

 

 

“Ibang mag-birthday ang ating Pangulo. Imbes na tayo ang magregalo sa kanya, tayo pa ang binigyan niya ng tulong, at personal n’ya pa itong iniabot sa atin. Buong Pilipinas man ang kailangan niyang intindihin at paglingkuran, hindi niya nakakalimutan ang mga Navoteño,” ani Mayor Tiangco.

 

 

Ang kabuhayan ng mga mangingisda ng Navotas ay lubhang naapektuhan ng mga bagyo, habagat, at oil spill sa Bataan at Cavite.

 

 

Dagdag pa, ang nasirang Tangos-Tanza Navigational Gate na lalong nagpakumplikado sa kanilang trabaho, na nagdulot ng mga pagkaantala at pagtaas ng mga gastos.

 

 

“Bukod sa handog niyang tulong pinansyal sa ating mga mangingisda, nagpapasalamat din tayo sa agarang pag-aksyon ng ating Pangulo para maayos ang ating floodgate. Nakita niya na hindi lang pagbaha ang dulot nito sa Navotas, naabala rin ang hanapbuhay ng ating mga mangingisda,” sabi ni Tiangco.

 

 

Ang iba pang mga mangingisdang benepisyaryo ay bibigyan ng cash aid sa Setyembre 19 at 20.

 

 

Binigyang-diin din ni Mayor Tiangco ang malaking epekto ng P29 Rice Program at Kadiwa ng Pangulo sa pagbibigay ng mga pamilyang Pilipino ng access sa abot-kayang pagkain, na tinitiyak na kahit na ang mga sambahayan na may mababang kita ay matutugunan ang kanilang mga pangunahing pangangailangan sa gitna ng pagtaas ng presyo.

 

 

Samantala, 1,000 registered persons with disabilities (PWDs) sa Navotas ang tatanggap ng P5,000 cash assistance sa Biyernes, bilang bahagi na rin ng pagdiriwang ng kaarawan ng Pangulo.

 

 

Ang mga natitirang PWD na nakarehistro sa Persons with Disability Affairs Office ay tatanggap ng P3,000 sa ilalim ng Ayuda sa Kapos ang Kita (AKAP) program.

 

 

Binigyang-diin ni Cong. Tiangco ang pangako ng administrasyon na tulungan ang mga higit na nangangailangan.

 

 

“Hindi lang sa Metro Manila, kundi sa buong bansa, mas ramdam natin ngayon ang mga programang nakatutok sa pagbibigay ng tulong sa mahihirap tulad ng Tulong Panghanapbuhay sa Ating Disadvantaged/Displaced Workers (TUPAD), Assistance to Individuals in Crisis Situation (AICS), at AKAP,” pahayag ni Cong. Tiangco. (Richard Mesa)

 

Other News
  • Sylvia, nangatog at nanumbalik ang trauma sa ‘Bagyong Ondoy’

    NANUMBALIK ang trauma na naramdaman ni Sylvia Sanchez nang rumagasa ang napakalakas na bagyong Ulysses nitong November 11 sa buong Luzon kung saan maraming nawalan ng bahay ang mga kakabayan natin sa Bikol, Quezon, Montalban at Marikina City.   Kaya hindi napigilang mag- post ang premayadong aktres sa kanyang Facebook page noong Huwebes, November 12. […]

  • Japan nagpautang muli ng P6.9B para sa MRT3 rehab

    LUMAGDA sa isang kasunduan ang Japan at Pilipinas para sa isang loan na nagkakahalaga ng 17.4 billion yen o P6.9 billion na gagamitin sa ikalawang bahagi ng rehabilitation ng Metro Rail Transit 3 (MRT3).       Ang lumagda para sa Tokyo ay si charge d’affaires Kenichi Matsuda habang si Foreign Affairs secretary Enrique Manalo […]

  • Single ticketing system aprubado na

    APRUBADO  na ng Metro Manila Council (MMC) ang pagpapatupad ng single ticketing system sa Metro Manila.       Nagbigay ng pagsangayon ang labing-pitong (17) Metro Manila mayors sa Resolution No. 23-02 ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) kung saannakapaloob ang Metro Manila Traffic Code of 2023.       Ayon kay MMC chairman at […]