PBBM, nanawagan na paigtingin ang pakikipagtulungan sa BIMP-EAGA
- Published on May 15, 2023
- by @peoplesbalita
NANAWAGAN si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na paigtingin ang pakikipagtulungan sa Brunei Darussalam-Indonesia-Malaysia-Philippines-East ASEAN Growth Area (BIMP-EAGA) para mas makasulong at umunlad pa ang rehiyon.
“BIMP-EAGA provides our common sub-region, which has long been impaired by strife, with better access to viable economic opportunities,” ayon kay Pangulong Marcos sa kanyang interbensyon sa 15th BIMP-EAGA Summit sa Indonesia.
“So, let us continue this impetus for growth in BIMP-EAGA and thereby position our very own sub-region as a well-connected, economically thriving, multi-country trade, investment, and tourism destination. There lies our future,” ayon sa Pangulo.
Sinabi ng Punong Ehekutibo, suportado ng gobyerno ng Pilipinas na pagtuunan pa ng pansin ang BIMP-EAGA Vision 2025 sa mas malawak na estratehiya, layon nito na ihanay sa sub-regional pandemic recovery at transformation efforts kasama ang ASEAN Comprehensive Recovery Framework, partikular na sa larangan ng food security, creative industries at e-commerce, tourism recovery, at green recovery.
Ani Pangulong Marcos, ang COVID-19 pandemic at gulo sa Ukraine ay nagpakita ng pangangailangan na “to maintain the physical connectivity that underpins the region’s extensive and comprehensive logistics chain in all its aspects.”
“Our collective effort towards rebuilding the air and sea linkages disrupted by geopolitical challenges and the pandemic still remains the key towards our full economic recovery,” lahad ng Punong Ehekutibo.
Binigyang diin pa ng Chief Executive ang kahalagahan ng “synergies at partnerships” ng BIMP-EAGA sa external partners, gaya ng Asian Development Bank, Japan, Republic of Korea, China, at Northern Territory of Australia.
Samantala, winelcome naman ng Pangulo ang BIMP-EAGA-Korea Cooperation Fund (BKCF) at ang itinaas na kontribusyon ng Republic of Korea mula US$1 million noong 2021 na naging US$3 million noong 2022.
Ang BIMP-EAGA ay inilunsad noong 1944 upang pasimulan ang kooperasyon sa mga estadong miyembro ng ASEAN, saklaw ng BIMP-EAGA ang buong Brunei Darussalam, sampung probinsiya sa mga isla ng Indonesia na Kalimantan, Sulawesi, Maluku, at Irian Jaya; Sabah, Sarawak, at Labuan sa Malaysia; at ang Mindanao at Palawan.
Ang sub-grouping na ito ay magdudulot ng kaunlaran sa pamamagitan ng pagpapaigting ng intra-EAGA trade, tourism, at mga investment.
Ang Mindanao Development Authority ay magsisilbing Philippine Coordinating Office para sa BIMP-EAGA sa ilalim ng Republic Act 9996, ang Mindanao Development Authority Act of 2010. (Daris Jose)
-
Bulacan, makikiisa sa pagdiriwang ng Pride Month kasama ang LGBT Community
LUNGSOD NG MALOLOS– Ipagdiriwang ng Lesbian, Gay, Bisexual, Transgender (LGBT) Community-Bulacan Federation sa pakikipagtulungan ng Pamahalaang Panlalawigan ng Bulacan at pakikiisa ng PNP-Bulacan ang taunang LGBT Pride Month mula Hunyo 17 hanggang Hulyo 22, 2021 bilang pagkilala sa positibong impluwensya ng mga LGBT sa mundo. Tinawag na ‘Lakbay Kumustahan: The LGBT Bulacan Hello […]
-
DENNIS, parang winner sa rami ng bumati at nakapagpapirma pa kay BONG JOON HO; JOHN, wagi ng Volpi Cup for Best Actor sa ‘ 78th VIFF’
SI John Arcilla ang tinanghal na Best Actor at ginawaran ng Coppa Volpi (Volpi Cup) sa katatapos na 78th Venice International Film Festival sa Venice, Italy. Hindi naka-attend si John sa filmfest pero ang Kapuso Drama Actor na si Dennis Trillo na nominated ding Best Actor sa On The Job: The Missing 8 ang […]
-
Lolo at lola ng asawa, tiyak na tuwang-tuwa: KRIS, magiging nanay na at ‘di nila plinano ni PERRY
MAGIGING nanay na si Kris Bernal. Ito ang announcement niya sa kanyang Instagram account at Youtube account. Hindi raw nila plinanong mag-asawa kaya sobrang tuwa niya nang makita niya ang double lines nang mag-pregnancy test siya. Tiyak naman na ikinatuwa ito ng kanyang mister na si Perry Choi at […]