• March 15, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

PBBM, nanawagan para sa int’l support para sa UN Security Council bid ng Pinas

MULING nanawagan si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. para sa suporta para sa Pilipinas na makasama sa United Nations Security Council (UNSC).
Ginamit ng Pangulo na oportunidad ang unang Vin d’Honneur ngayong taon sa Palasyo ng Malakanyang para ipanawagan na makasama ang Pilipinas sa (UNSC).
Kasali kasi ang Pilipinas sa naglalaban-laban para masungkit ang non-permanent seat sa UNSC para sa terminong 2027-2028. Ang Security Council ay ang pangunahing responsable para sa pagpapanatli ng ‘international peace at security.’
“I take this opportunity anew to convey to your respective governments our earnest request for your support to our UNSC bid, and we hope for your support when the time comes when we are indeed sitting as a member of the Security Council,” ang sinabi ni Pangulong Marcos sa kanyang talumpati.
Ang UNSC ay mayroong 15 miyembro kung saan ang bawat isa ay mayroong isang boto at sa ilalim ng UN Charter, ang lahat ng member states ay obligadong sumunod sa desisyon ng Council.
Sa kabilang dako, binigyang-diin ni Pangulong Marcos na ang Pilipinas ay mayroong “rich experience in building peace, forging consensus, and finding new paths for cooperation.”
“Nowhere is this best highlighted than in our unfaltering contribution to UN Peacekeeping Operations over the past sixty years, deploying over 14,000 troops in 21 UN peacekeeping operations and special political missions,” dagdag na wika nito.
Sinabi pa rin niya na ang layunin ng bansa ay nakaayon sa pananaw na ang multilateralism ay dapat na palakasin o pagtibayin sa pamamagitan ng pagreporma sa Security Council at pagpapasigla sa General Assembly.
Samantala, matatandaang nasungkit ng Pilipinas ang isang seat sa Security Council para sa terminong 2004-2005.  (Daris Jose)
Other News
  • Mas mahigpit na quarantine sa Metro Manila nakaamba

    Nakaamba ang pagpapatupad ng mas istriktong quarantine sa Metro Manila kung magpapatuloy ang pagtaas ng kaso ng COVID-19.   Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, titingnan ang tinatawag na “two-week attack rate” at ang critical care capacity ng mga ospital.   Sinabi ni Roque na hindi na maibabalik ang panahon para sa mga hindi sumunod […]

  • Mag-utol na HVI, 1 pa isinelda sa P500K shabu sa Caloocan

    NASAMSAM ng pulisya ang mahigit kalahating milyong peso halaga ng shabu sa tatlong tulak ng illegal na droga, kabilang ang magkapatid na listed bilang high value individual (HVI) na naaresto sa magkahiwalay na buy bust operations sa Caloocan City.     Sa ulat ni District Drug Enforcement Unit (DDEU) chief P/Maj. Dennis Odtuhan kay Northern […]

  • GET READY FOR DEV PATEL’S “MONKEY MAN,” DESCRIBED BY CRITICS AS THE “SOUTH ASIAN JOHN WICK” WITH ITS RAW AND INTENSE ACTION SCENES

    DEV Patel has always loved action cinema.   Patel (“Slumdog Millionaire,” “Lion”), who has been obsessed with action cinema from different parts of the world ever since he was a child, has been working on “Monkey Man” for nearly a decade. “It was an action-packed, crazy ride – blood, sweat, tears, broken bones, literally, for this […]