PBBM, nanawagan sa PAGCOR na ituloy ang commitment nito sa paglaban sa illicit activity
- Published on July 13, 2023
- by @peoplesbalita
NANAWAGAN si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) na panatilihin ang commitment nito na labanan ang illicit activities at tiyakin ang “responsible practices” sa loob ng gaming industry, habang pinapanatili ang “social relevance.”
“Let this anniversary therefore be a call to the future—a future where PAGCOR is at the front and center in reshaping the gaming landscape with responsible practices, unwavering integrity, and a steadfast commitment to combating illicit activities,” ito ang inihayag ni Pangulong Marcos sa kanyang talumpati sa isinagawang ika-40 anibersaryo ng PAGCOR.
Sinabi pa ng Pangulo na ang “brightest years” ng PAGCOR ay nananatili sabay pagkilala sa kahalagahan ng kontribusyon nito sa nation-building, partikular na sa sektor ng turismo, paglikha ng trabaho, pagpapalawig ng social services sa marginalized sectors at pagsuporta sa mga mahahalagang programa ng pamahalaan.
“Certainly, PAGCOR has made an indelible mark in our society with its undeniable contribution to nation-building,” ayon sa Chief Executive.
Binigyang diin din ng Punong Eheklutibo ang ipinamahaging napakalaking resources ng PAGCOR at kapasidad ng mga manggagawa nito, hinikayat ng Pangulo ang PAGCOR na magtakda ng bagong standards at ituloy lamang na pangunahan puwersa sa gaming industry hindi lamang para matamo pinansiyal na tagumpay kundi maging para sa social impact.
“May you remain a shining example of what it means to be workers at PAGCOR—individuals who stand firm in their dedication to service, excellence, and integrity, [and] who are determined to leave their mark not only in the gaming industry, but in our society as a whole,” ayon sa Pangulo.
Sa kabilang dako, sinabi ni PAGCOR Chairman at CEO Alejandro H. Tengco, ang kabuuang Contributions to Nation Building (CNB) ng ahensiya ay umabot na sa P607 billion para sa *the last four decades*, habang ang kabuuang dividend remittances naman nito simula 2011 ay P64 billion.
Sa ilalim ng administrasyong Marcos, ang kabuuang CNB ng PAGCOR ay P45 billion. Target naman ng ahensiya na abutin ang 70 billion sa pagtatapos ng taon.
Kabilang naman sa mga programa na ipinatupad ng PAGCOR ay ang pagtatatag ng classrooms, multi-purpose evacuation centers, at grants of assistance o subsidy sa institutions, government offices at indibidwal.
Suportado rin ng korporasyon ang pagpopondo sa mga programa na nasa ilalim ng Universal Health Care, Philippines Sports Commission, at Dangerous Drugs Board. (Daris Jose)
-
VP Leni sa vaccine infomercial kasama si Duterte: ‘Open na open ako’
Iginiit ni Vice President Leni Robredo na handa siyang makipagtulungan kay Pangulong Rodrigo Duterte para mahikayat ang mas maraming Pilipino na tumanggap ng COVID-19 vaccines. Pahayag ito ng pangalawang pangulo, matapos siyang akusahan ng tagapagsalita ni Duterte na tutol umano ito sa mga bakuna ng China. “Open na open ako kung […]
-
JULIA, tinanong ng netizens kung pang-ilang ‘shampoo’ na siya ni GERALD; relasyon nila tinataningan din
MARAMI rin celebrities ang natutuwa at kinikilig sa pagiging open na ngayon nina Gerald Anderson at Julia Barretto sa relasyon nila. Timing sa birthday ni Gerald noong Linggo ang pag-amin ng dalawa. Naging visible na si Julia na kasama ni Gerald sa gift-giving nito at malaya na rin si Julia na mag-post ng […]
-
2 ‘tulak’ binitbit sa P92K droga sa Caloocan
NASAMSAM ng pulisya sa dalawang hinihinalang tulak ng illegal na droga ang mahigit P90,000 halaga ng shabu nang matiklo sa buy-bustoperation sa Caloocan City. Sa kanyang report kay Northern Police District (NPD) Director P/BGen. Rizalito Gapas, kinilala ni Caloocan police chief P/Col. Ruben Lacuesta ang mga naarestong suspek na sina alyas ‘JR’ at […]