• April 18, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

PBBM, nangako na ipagpapatuloy ang pagtulong sa mga job seekers, nano enterprises

IPAGPAPATULOY ng gobyerno ang pagtulong sa mga Filipino na naghahanap ng trabaho at nano-entrepreneurs.nnSinabi ito ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. nang bisitahin niya ang Trabaho at Serbisyong Pangkalusugan sa Bagong Pilipinas job fair sa Antipolo Sports Hub sa Antipolo City, Rizal.nn nn“Binibigyan pati ng suporta sa equipment, sa training, at kahit mabigyan ng kaunting puhunan para makapag-start po ng kanilang mga bagong negosyo kahit na maliliit lamang. Eh pinag-uusapan po natin dati lagi natin sinasabi ang medium- and small-scale enterprises. Ngayon napunta na po tayo sa micro enterprise, nano enterprise ang tawag din,” ang sinabi ni Pangulong Marcos.nn nn“At magpapasalamat din ako sa mga employer. At dahil ‘yung mga employer po ay kinausap namin na makapunta rito upang ‘yung mga nag-a-apply sa iba’t ibang klaseng trabaho ay mabigyan naman ng pagkakataon,” aniya pa rin.nn nnGagamit aniya ang administrasyon ng whole-of-government approach upang masiguro na ang mga filipino mula sa marginalized sector ay makakukuha ng kinakailangang suporta.nn nnSa kabilang dako, tinatayang 766 bakanteng trabaho ang inalok ng 10 nagpartisipang employers sa job fair.nn nnAng ‘Job vacancies’ ay available sa 300 job seekers na benepisaryo ng Assistance to Individuals in Crisis Situation (AICS) program ng Department of Social Welfare and Development (DSWD).nn nnMayroon namang 1,800 graduating beneficiaries ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) ng DSWD ang makatatanggap ng P3,000 bawat isa sa ilalim ng AICS.nn nnSamantala, namahagi naman ang Department of Labor and Employment (DoLE) ng iba’t ibang Integrated Livelihood Program packages sa ilang benepisarto at nagsagawa ng orientation para sa 122 benepisaryo ng Tulong Panghanapbuhay Para sa Ating Disadvantaged o Displaced Workers program.nn nnTinurn over naman ng Department of Health (DoH) ang anti-dengue commodities at nag-alok ng libreng gamot, serbisyong medikal gaya ng screening laboratories, X-rays at electrocardiograms; pagbakuna para sa pneumonia; at medical consultations.nn(Daris Jose)

Other News
  • EJ Obiena wagi ng gold medal sa Sweden

    Nagwagi ng gold medal sa Philippine pole vaulter Ernest John Obiena sa Folksam Athletics Grand Prix na ginanap sa Gothenburg, Sweden.     Naging malinis ang performance nito sa 5.70 meters sa unang attempt nito.     Tinalo nito si defending Brazilian Olympic gold medalist Thiago Braz.     Mayroon pang dalawang torneo na sasalihan […]

  • Commission on Human Rights, sinimulan na ang imbestigasyon sa pangho-hostage kay ex-Sen. De Lima at pagkamatay ng mga suspek

    SINIMULAN  na raw ng Commission on Human Rights (CHR) ang kanilang motu proprio investigation sa insidenteng naging daan para sa i-hostage si dating Senator Leila de Lima na kasalukuyang nakapiit sa PNP-Custodial Center sa Camp Crame.     Kasama rin sa mga iniimbestigahan ang pagkamatay ng tatlong persons under police custody (PUPCs) na mga hostage-takers […]

  • First Pinoy endorser ng sikat na eyewear: DINGDONG, proud sa bagong endorsement at nakikita ang billboard sa Times Square

    PROUD si Dingdong Dantes dahil sa kanyang bagong endorsement.  Bakit nga ba hindi, ‘di-hamak na institusyon ng matatawag at may legacy na ang bagong endorsement sa buong mundo, ang Police eyewear. At isang malaking karangalan nga rito na sa Pilipinas, si Dingdong ang kauna-unahang Pinoy na kinuha bilang celebrity endorser nito. Ang naging Instagram post […]