• March 26, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

PBBM, nangako na magtatayo ng bagong tulay sa Isabela, lumang disenyo ‘very weak’

NANGAKO si Pangulong Ferdinand Marcos Jr., na magtatayo ng bagong tulay sa Isabela province, kasunod ng pagguho ng Cabagan-Sta. Maria Bridge kamakailan.
Ang commitment na ito ni Pangulong Marcos ay matapos inspeksyunin ang gumuhong tulay, sabay sabing ang lumang disenyo ay “poor” at “really weak.”
Aniya, ang original budget para sa konstruksyon ng tulay ay P900 milyon subalit tumaas sa P1.2 bilyon dahil sa ‘retrofitting.’
“Ang puno’t dulo nito design flaw. It is a design flaw. Mali ang design. Ang history kasi nito, dapat ang funding nito was supposed to be ang project cost nito is PHP1.8 billion. So, binawasan under PHP1 billion para makamura. Ayan, inayos ngayon, ginawa ngayon ‘yung detail design. Design is basically really weak,” ang sinabi ng Pangulo.
“We have no choice. We have to go back. So, nung nagtitipid tayo, tinipid natin sa PHP1.8 billion, useless. Ngayon, babalik na naman tayo. Gagastos na naman tayo. Papalitan na naman natin. Parang nagtayo na naman tayo ng bago,” aniya pa rin.
At nang tanungin kung sino ang dapat na managot sa pagguho ng tulay, winika ng Pangulo na pagtutuunan muna niya ng pansin na ayusin ang problema.
“You know, I always have the saying: Fix the problem, not the blame. Ayusin muna natin ‘yung problema. Believe me, you’ll find out who is responsible. Who is responsible is basically who made the design because the design is poor. And then also, those trucks should never have been on the bridge,” dagdag na pahayag ng Pangulo.
Sa ulat, ang Cabagan-Santa Maria Bridge ay sinimulan ng DPWH noong Nobyembre 2014 at natapos nito lamang Pebrero 2025, kung saan ang kabuuang halaga ng proyekto mula sa tulay at approaches ito ay may pondong P1,225,537,087.92.
Ang contractor ng tulay ay ang R.D. Interior, Jr. Construction.
Ayon kay Pangulong Marcos, sinunod naman ng contractor ang plano at ang construction work ay ginawa alinsunod sa libro, hanggang sa specification.
Gayunman, sinabi ng Pangulo na mayroong problema sa disenyo dahil mali ang specification.
“Ito lang ang suspension bridge na nakita ko sa buong mundo na hindi kable at iyan na mismo ang bumigay. Bumigay ang bakal. Kung kable iyan, hindi dapat bumigay iyan. Tapos yung pag-anchor ng support, tignan niyo, doon lang sa baba. Dapat sa taas iyan., hanggang sa taas,” ang sinabi ng Pangulo. ( Daris Jose)
Other News
  • 2 pang biktima ng ‘palit ulo’ sa Valenzuela lumutang

    DALAWA pang biktima ng ‘palit-ulo’ scam ang lumutang sa Valenzuela City Hall upang ilahad ang kanilang karanasan at sinapit na panggigipit ng ACE (Allied Care Experts) Medical Center sa Valenzuela.     Iprinisinta ni Valenzuela City Mayor Wes Gatchalian ang mga biktimang sina ­Nerizza Zafra at Cheryluvic Ignacio, na kapwa residente ng naturang  Lungsod na […]

  • Dahil sa ‘Topakk’ movie nila ni Arjo: ENCHONG, natupad ang pangarap na maka-attend ng Cannes International Film Festival

    PARANG high na high ang pakiramdam ni Enchong Dee.       Ang dahilan, ang katuparan daw ng kanyang pangarap na maka-attend ng Cannes International Film Festival.     Kasalukuyan ngang isa sa mga invited si Enchong sa Cannes dahil sa pelikula nila ni Arjo Atayde na “Topakk.”  Parang may realization pa ito na hindi raw talaga […]

  • Injuries ng mga players isinisi sa ‘brutal’ na games scheduling ng NBA

    Isinisi ngayon ng mismong ilang mga NBA managers ang mahigpit na scheduling na siyang dahilan umano ng maraming injuries ng marami nilang mga players.     Ayon sa ilang general managers na tumangging isapubliko ang mga pangalan, mas matindi pa ngayon ang torneyo kumpara sa ginanap na NBA bubble noong nakaraang taon sa Florida.   […]