• March 26, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

PBBM, nangako na poprotektahan ang karapatan ng mga kababaihan, kokontrahin ang mga banta sa kanilang pag-unlad

NANGAKO si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr., araw ng Sabado na poprotektahan ang karapatan at paninindigan ng mga kababaihan laban sa anumang banta na maaaring makahadlang sa kanilang pag-unlad.
Inihayag ni Pangulong Marcos ang pangako niyang ito kasabay ng pakiisa sa buong bansa na nagdiriwang ngayon ng International Women’s Day at National Women’s Month.
“Dynamic and ever-evolving, similar to ourInang Bayan(Motherland), being a woman requires resilience and strength. Many of the developments we witness today can be attributed to the innumerable contributions of women across generations who fought, struggled, and advocated for various noble causes,” ang bahagi ng mensahe ni Pangulong Marcos.
“The Bagong Pilipinas, we are building will always advocate for women’s rights and vigorously oppose anything threatening their progress,” aniya pa rin.
Pinuri ng Pangulo ang ‘ lakas, katatagan at kontribusyon’ ng mga kababaihan sa Pilipinas, sabay sabing may mahalagang papel ang mga ito sa paghubog sa salaysay ng bansa.
Winika nito na ipagpapatuloy ng pamahalaan ang muling pagsasalaysay ng mga kuwento ng mga pambihirang kababaihan para magsilbing inspirasyon sa henerasyon ng mga kabataang kababaihan.
“From the babaylans, katipuneras, and Filipina guerillas of the past, to the frontliners, professional trailblazers, and visionary leaders of today, our country has produced millions of empowered women who gave their knowledge, talents, and even their lives for the sake of many,” ang sinabi ni Pangulong Marcos.
Sinabi pa nito na ang administrasyon ay committed na magbigay ng ‘full support’ sa mga kababaihan, sa kanilang mga pagsisikap na iangat ang bayan at ang nalalabing bahagi ng mundo.
“As we mark this special occasion, let us recognize the significance of women, an unshakeable force that nurtures, perseveres, and redefines,” ang sinabi ni Pangulong Marcos.
Samantala, ang buwan ng Marso ay pagdiriwang ng National Women’s Month base sa taunang United Nations-designated International Women’s Day kada Marso 8.
Sa Pilipinas, naging isang pagdiriwang ng accomplishments ng mga kababaihan at isang platform para i-promote ang gender equality sa pamamagitan ng mga aktibidad na nakahanay sa local at international accords, kabilang na ang Convention on the Elimination of All Forms of Discrimination Against Women, ang Philippine Plan for Gender-Responsive Development (1995-2025), Framework Plan for Women, at ang Sustainable Development Goals. (Daris Jose)
Other News
  • DoF, aware sa $180 milyon o P9 bilyon na pinasok na pera ng mga Chinese nationals

    HINDI lingid sa kaalaman ng Department of Finance (DoF) ang $180 milyon o P9 bilyon na pinasok na pera ng mga Chinese nationals sa bansa mula Disyembre 2019 hanggang Pebrero ng taong ito.   Sinabi ni Department of Finance Asec. Tony Lambino sa Economic Briefing sa New Executive Building (NEB), Malakanyang na inireport na ng […]

  • [NOBELA] DEEP INSIDE MY HEART (Chapter 36) Story by Geraldine Monzon

    KAPWA nabuhay ang pag-asa sa mga puso nina Angela, Bernard at Andrea nang matagpuan nila ang dalaga sa harap ng dati nilang tahanan. Agad silang nagpa-DNA upang makasiguro sa katotohanang inaasam nila.   Nang maiabot na ng doktor ang resulta ng DNA test ay agad binasa ni Angela ang hulihang bahagi nito. Natigilan siya at […]

  • Halos 26-M Pilipino fully vaccinated na vs COVID-19 – Malacañang

    Humigit kumulang 26 million Pilipino na ang fully vaccinated kontra COVID-19, ayon sa Malacañang.     Sinabi ni Presidential Spokesperson Harry Roque na hanggang noong Oktubre 25 ay kabuuang 56,254,529 doses na ng COVID-19 vaccines ang naituturok.     Sa naturang bilang, 30,298,860 dito ang first dose habang 25,955,669 naman ang second dose.     […]