• January 13, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

PBBM, pinangunahan ang pamamahagi ng iba’t ibang tulong mula sa pamahalaan sa N. Samar

PINANGUNAHAN ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang pamamahagi ng iba’t ibang government assistance mula sa  Department of Agriculture (DA), Department of Trade and Industry (DTI), Department of Social Welfare and Development (DSWD) at  Department of Labor and Employment (DOLE) sa  Northern Samar. 

 

 

Sa naging talumpati ng Pangulo, tiniyak nito sa mga residente at lokal na opisyal ng Northern Samar na palaging handa ang national government na bigyan ang mga ito ng lahat ng tulong na kanilang kailangan bilang bahagi ng nilalayon ng gobyerno na itaas ang pamumuhay ng mga Filipino sa buong bansa.

 

 

Ginagawa aniya ng gobyerno ang lahat ng makakaya nito para tulungan ang  micro-small and medium-sized enterprises (MSMEs).

 

 

“Nandito po kami para matiyak na ‘yung mga talagang bumagsak, kasi talagang maraming tinamaan nang mabigat, diyan naubos ang kanilang savings, nagsara ang kanilang negosyo, hindi na sila makabalik, ‘yun ang mga hinahanap namin para tulungan dahil ‘yan ang puno’t dulo ng ating ekonomiya, ang mga maliliit na negosyo, ang MSMEs,” ayon sa Punong Ehekutibo.

 

 

“Kaya’t kailangan natin pasiglahin at buhayin ‘yang sector na ‘yan. Kaya’t ‘yan po ang aming ginagawa ngunit kagaya ng sabi ko, mayroon pa ring nangangailangan ng tulong kaya tinitiyak din namin, mayroon din kami dito, na makapagbigay ng tulong sa ating mga cooperative,” dagdag na wika nito.

 

 

Sa kabilang dako, ang Pangulo bilang  concurrent Agriculture Secretary, nanguna sa distribusyon ng  dalawang four-wheel drive tractors, tatlong  multi-cultivators, apat na pump irrigation systems, isang cacao processing facility, iba’t ibang agricultural livelihood projects, apat na unit ng  hand tractors at apat na  rice threshers at apat na  rice cutters.

 

 

Namahagi rin ang Pangulo nang  mahigit sa  21,480 bag ng certified rice seeds, 300 bag ng  hybrid rice seeds, fertilizer discount vouchers at  P5,000 financial assistance  kada isa  para sa 1,220 farmer-beneficiaries sa Northern Samar.

 

 

Pinangunahan din ng Punong Ehekutibo ang pagbibigay ng tulong mula sa Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) gaya ng 16 deep sea fish aggregating devices o paya, tatlong  high-density polyethylene cages, 150 set ng  seaweed farm implement at fingerlings, at pagkain para sa tilapia production sa mga lawa.

 

 

Namahagi rin ang Chief Executive ng 20 piraso ng 30-foot at limang  22-foot fiberglass boats at mangrove crablets at formulated feeds habang nag-donate naman ang Philippine Fiber Industry Development Authority (PhilFIDA) ng dalawang ektaryang  abaca mother block nursery sa  local government unit ng Northern Samar.

 

 

Iniabot  naman ng Pangulo ang apat na  infrastructure projects sa provincial local government units ng Northern Samar.

 

 

Namahagi rin ang Pangulo ng  financial assistance na nagkakahalaga ng P150,000 sa walong  distressed overseas Filipino workers (OFWs) at scholarship assistance na nagkakahalaga ng P10,000  kada isa para sa dalawang  dependents sa ilalim ng OFW Dependent Scholarship Program.

 

 

Nagpaabot din ang Pangulo ng medical assistance  na ngakakahalaga ng P30,000  sa dalawang benepisaryo sa ilalim ng Welfare Assistance Program at financial assistance na nagkakahalaga ng P20,000  sa  naulilang pamilya ng OFW. (Daris Jose)

Other News
  • Excited na ring maigawa ng customized rings ang ina: KC, thankful at sobrang saya na nagkaayos na sila ni SHARON

    PINOST ni KC Concepcion sa Instagram ang screenshot ng FaceTime nila ng inang si Megastar Sharon Cuneta, habang naghahanda ang huli sa taping para sa FPJ’s Ang Probinsyano.   Tuwang-tuwa naman ang netizens at followers ng mag-ina dahil okey na okey na talaga ang kanilang relasyon.   Caption nang isa sa bida sa movie na […]

  • MARIAN, super-effort talaga para pasayahin si DINGDONG sa ‘Father’s Day’; ilang celebrities nag-post din ng kani-kanilang pagbati

    SA tuwing may okasyon na sine-celebrate tulad ng Father’s Day kahapon, June 19, inaabangan talaga ng netizens ang magiging greetings ng mga celebrities sa kanilang tatay o kaya’y asawa.     Kaya binisita namin ang mga stars para makita ang kani-kanilang Father’s Day message.     Panalo ang pinost na photo ni Marian Rivera ng […]

  • PDu30, umaasang “less fatal” o hindi nakamamatay ang monkeypox kumpara sa Covid-19

    UMAASA si Pangulong Rodrigo Roa Duterte na hindi magiging “fatal’ o nakamamatay ang monkeypox kumpara sa coronavirus disease 2019 (Covid-19).     Nagkaroon na kasi ng monkeypox outbreak kung saan ay karamihan sa Europa.     Sa kanyang Talk to the People, Lunes ng gabi, hiniling ni Pangulong Duterte kay Department of Health (DOH) Undersecretary […]