PBBM, pinarangalan ang mga sundalo sa naging pagbisita sa SOLCOM camp
- Published on December 2, 2024
- by @peoplesbalita
PINANGUNAHAN ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang pagbibigay parangal sa mga sundalo mula sa Southern Luzon Command (SOLCOM) para sa kanilang mga accomplishments o mga nagawa sa anti-insurgency campaign at disaster response.
“First of all, I would like to congratulate the awardees. We have just given the gold crosses, silver crosses, and the bronze cross for their good work,” ang sinabi ni Pangulong Marcos sa conferment rites sa Camp Gen. Guillermo Nakar sa Lucena City.
“I’m glad that we are performing. That recognition is because of your good work that you have done. So, congratulations for that,” ang sinabi pa rin ni Pangulong Marcos.
Nabanggit din ng Pangulo na nagkaroon siya ng briefing mula sa SOLCOM Commander kaugnay sa pangkalahatang situwasyon sa ‘area of operation’ na iniatas.
Sinabi pa rin ng Pangulo sa SOLCOM troops na inaatasan ito na hawakan ang territorial defense sa gitna ng nagbabagong geopolitical situation.
“SOLCOM however has to reduce the insurgency threat to the barest minimum for the command to fully focus on territorial defense,” ang sinabi ni Pangulong Marcos.
Kabilang naman sa mga recipient ng Golden Cross Medal ay sina 1Lt. Billy Canacan at 2nd Lt. Green Marc Augusto ng Philippine Army.
Para naman sa Silver Cross Medal, ang mga awardee ay sina Maj. Bryann Oria at 1Lt. Merjorie Ballesteros, mula pa rin sa Philippine Army.
At si TSgt. Noli Lomeda ng Philippine Air Force ay isa namang Bronze Cross Medal awardee. (Daris Jose)
-
Gov Remulla pwede kasuhan sa Cavite rally ‘vote buying’ — abogado
PUWEDENG kasuhan ng Commission on Elections (Comelec) mismo ang isang pulitiko sa probinsya ng Cavite dahil sa pamimigay ng pera bago ang isang political rally nina presidential candidate Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., ayon sa isang election lawyer. Martes nang mamataang namimigay si Cavite Gov. Jonvic Remulla ng libu-libong papremyo sa isang covered court […]
-
Publiko pinag-iingat sa mga Istasyon ng EDSA busway
Nanawagan ang Department of Transportation (DOTr) sa mga pasahero na sumasakay sa EDSA carousel na mag-ingat matapos na may isang tao na wala sa tamang pag-iisip ang naghurementado na may dalang patalim. Ang pangyayari ay naganap sa Istasyon ng Ortigas Avenue ng Edsa Carousel kung saan ang isang traffic marshal ay hinabol nito. […]
-
Jesus; John 19:27
Your mother.