• February 17, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

PBBM pinarerebyu ang disaster response

NAIS  ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na rebyuhin ang mga standard operating procedures (SOPs) upang lumikha ng pare-pareho at magkakaugnay na diskarte sa panahon ng kalamidad.

 

 

Sinabi ni Marcos sa meeting ng Gabinete kahapon na dapat irebyu ang mga SOPs kapag may warning at kung ano ang mga dapat gagawin kapag mayroong alerto.

 

 

“I think we have to review our SOPs when there’s a warning. So what do we immediately do when the alert is given to us? How do we preposition the things that we will need?” ani Marcos sa meeting ng Gabinete.

 

 

Ginawa ni Marcos ang pahayag kasunod ng isang magnitude 7 na lindol na yumanig sa hilagang Luzon noong Hulyo 27.

 

 

Sinabi ng punong ehekutibo na dapat i-preposition ng gobyerno ang mga satellite phones, generators, tubig at iba pa, kapag nakataas ang alerto.

 

 

Tinalakay din ang paggamit ng airlift assets para sa disaster response.

 

 

Binanggit din ni Marcos ang kahalagahan ng mga inhinyero na makakatulong sa mga clearing operations at pagtatayo ng mga pansamantalang istruktura.

 

 

Sa kanyang pagbisita sa Abra noong Hulyo 28, binigyang-diin ng Pangulo ang pangangailangang makakuha ng mas maraming water purifying system na tutugon sa mga problema sa suplay ng tubig sa panahon ng kalamidad. (Daris Jose)

Other News
  • NFA, nakapaglabas na ng higit 622K bag ng bigas ngayong pandemic

    Inanunsyo ng National Food Authority (NFA) na nakapaglabas na sila ng nasa 622,683 bags ng bigas mula March 31 hanggang June 19, 2020 para sa calamity response ng local government units (LGU) at Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa gitna ng coronavirus disease 2019 (Covid-19) pandemic.   Ayon kay NFA assistant regional director […]

  • PBA awards isasabay sa Season 47 opening

    MULING  isasabay ng Philippine Basketball Asso­ciation (PBA) ang pagdara­os ng Season 46 Awards Night sa pagbubukas ng Season 47 sa Hunyo 5 sa Smart Araneta Coliseum.     Unang ginawa ito ng PBA noong Marso 8, 2020 kung saan hinirang si June Mar Fajardo ng San Miguel bilang MVP sa ikaanim na pagkakataon kasunod ang […]

  • PINAKAHIHINTAY NA 2ND TRANCHE SAP, NATANGGAP NA NG 3K NAVOTEÑOS

    NATANGGAP na ng 3,003 Navoteño families ang kanilang pinakahihintay na second tranche emergency subsidy sa ilalim ng Bayanihan 1 Social Amelioration Program (SAP).     Ang Department of Social Welfare and Development (DSWD)–National Capital Region, sa koordinasyon sa Pamahalaang Lungsod ng Navotas ay sinimulan na ang pamamahagi ng P5,000 cash assistance bilang partial payout sa […]