PBBM, pinasalamatan ang Indonesian gov’t para sa pagbabalik ni Veloso sa Pinas
- Published on December 20, 2024
- by @peoplesbalita
PINASALAMATAN ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ANG Indonesian government dahil sa mabilis na pagbabalik ni Mary Jane Veloso sa Pilipinas.
Si Veloso ay dumating sa Pilipinas, Miyerkules ng umaga.
“We take this opportunity to extend our gratitude to the Indonesian government and to all who have extended assistance for the welfare of Ms. Mary Jane Veloso,” ang sinabi ni Pangulong Marcos sa isang kalatas.
“The Philippine government welcomes the imminent transfer of Ms. Veloso, which was made possible by our strong friendship and cooperation with the Indonesian government.”aniya pa rin.
Sinabi pa ng Pangulo na ipagpapatuloy naman ng mga ahensiya sa justice and law enforcement sector na tiyakin ang kaligtasan ni Veloso lalo pa’t ang Indonesian counterparts nito ay “have safeguarded it for so long.”
Ang pagtiyak ng Pangulo ay pagbibigay-diin din na ang kapakanan ni Veloso ay “paramount.”
Nauna rito, Martes ng gabi nang i- turned over ang kustodiya ni Veloso sa mga opisyal ng Pilipinas.
Sinampahan siya ng mga opisyal ng Department of Foreign Affairs, National Bureau of Investigation, Bureau of Immigration, at Bureau of Corrections (BuCor).
Samantala sa news release ng BuCor, dumating si Veloso sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 3 sa Pasay City ng ala-5:51 ng madaling araw, sakay ng Cebu Pacific flight 5J 760.
Sa pagdating ni Veloso sa airport ay kaagad na dinala siya sa Correctional Institution for Women sa Mandaluyong City kung saan mananatili siya sa Reception and Diagnostic Center sa loob ng five-day quarantine at 55-day na sasailalim sa orientation, diagnostic evaluation, at initial security classification.
Si Veloso ay nakulong ng 14 na taon sa Indonesia matapos mahatulan ng parusang kamatayan dahil sa kasong illegal na droga. (Daris Jose)
-
Tiniyak ng DSWD: Suporta, nakahanda na para sa mga ‘displaced’ POGO workers
TINIYAK ni Department of Social Welfare and Development (DSWD) Secretary Rex Gatchalian na nakahanda na ang departamento na magbigay ng tulong sa local at foreign nationals na maaapektuhan ng nalalapit na pagsasara ng Philippine Offshore Gaming Operators (POGOs) operations sa pagtatapos ng taon. “Una sa lahat, base sa aming datos, ang karamihang […]
-
Foreign tourist arrivals sa Pinas, pumalo sa mahigit 1 milyon —DOT
MAHIGIT isang milyon na international travelers ang dumating sa Pilipinas sa unang tatlong buwan ng 2023. Sinabi ni Department of Tourism (DOT) Secretary Christina Frasco na nakikini-kinita na niya ang pagbangon ng tourism sector dahil 1,152,590 international tourists ang bumita sa bansa “as of March 15, 2023.” “In less than three […]
-
Aminadong tagahanga siya ng SB19: JENNYLYN, sobrang kinilig nang si STELL ang lumabas sa Tiktok filter
ITO palang si Jennylyn Mercado ay tagahanga ng SB19, partikular ni Stell! At dahil nga matindi ang kasikatan ni Coach Stell at ng Kapuso show na ‘The Voice Generations’, may nauuso ngayon na The Voice Generations Tiktok filter kung saan may randomizer at tila isa ka ring contestant sa TVG. App […]