PBBM, pinasinayaan ang P1B Pier 88, nangako ng mabilis na biyahe sa Visayas
- Published on May 30, 2023
- by @peoplesbalita
PINANGUNAHAN ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang grand launching ng Pier 88 sa munisipalidad sa lalawigan ng Visayas, nag-alok nang mas mabilis na transport alternative para sa mga mananakay at cargo sa Cebu.
“It’s encouraging to see that a massive undertaking such as this, where the local government takes the lead and collaborates with the private sector and other local governments, in the pursuit of objectives consonant with the national development agenda,” ang pahayag ni Pangulong Marcos sa kanyang naging talumpati.
“With the many benefits to the public interest, these projects showcase kindred examples of good urban planning. Let us imagine if these kinds of projects are replicated across the country, laterally and locally coordinated, and harmonized both on the provincial and national levels—then we could say that we are genuinely closer to our ambition of a prosperous, inclusive, and resilient society,” dagdag na wika ng Pangulo.
Ang Pier 88 ay isang mahigit na P1 billion public-private partnership project sa pagitan ng munisipalidad ng Liloan at mga pribadong kompanya na Pier 88 Ventures Inc., Topline Group of Companies, Viking Land, at FL Port Management Corp.
“As a smart port, it will integrate digital technology into its operations by using QR codes and a radio frequency identification-ready (RFID) system to be integrated with a mobile application, providing passengers with seamless and convenient traveling,” ayon sa ulat.
Matatagpuan sa Barangay Poblacion, inaasahan na ang Pier 88 ay magsisilbi sa mga byahero na papunta at paalis ng Cebu mainland via bayan ng Liloan town tungo sa Metro Cebu, Camotes group of islands, at Bohol at Leyte provinces.
“The close-to-three-hectare smart port will help decongest traffic in Metro Cebu, particularly Consolacion and Mandaue City, by providing an alternative mode of transport from Liloan to Mactan and Cebu City and vice versa,” ayon pa rin sa ulat.
Ang paglulunsad sa Port 88 ay nataon naman sa 178 taong anibersaryo ng Liloan, at muling paglulunsad ng Rosquillos Festival na ipinangalan sa native delicacy kung saan nakikila ang nasabing bayan ng ilang dekada na. (Daris Jose)
-
31% ng mga Pinoy, naniniwalang lumala ang kalidad ng kanilang pamumuhay sa nakalipas na isang taon – survey
NANINIWALA ang nasa 31% ng mga Pilipino na lumala pa ang kalidad ng pamumuhay sa nakalipas na 12 buwan o isang taon. Base ito sa lumabas na survey na isinagawa ng Social Weather Stations (SWS) mula noong Hunyo 26 hanggang 29 sa 1,500 adults, tig-300 respondents mula sa Metro Manila, Visayas, atMindanao, at […]
-
PH, US defense chiefs tinalakay ang pagprotekta sa karapatan para “fly, sail, and operate safely and responsibly”sa ilalim ng int’l law
TINALAKAY ng defense heads ng Pilipinas at Estados Unidos ang protektahan ang karapatan ng lahat ng bansa para “fly, sail, and operate safely and responsibly” sa ilalim ng international law. Sa isang readout na ipinalabas araw ng Huwebes (Manila time), sinabi ni Pentagon Press Secretary Major General Pat Ryder na nagkaroon ng ‘phone […]
-
Benilde rumesbak!
BUHAY pa ang College of Saint Benilde nang kubrahin nito ang 76-71 panalo kontra sa defending champion Colegio de San Juan de Letran para makahirit ng do-or-die Game 3 sa NCAA Season 98 men’s basketball finals kahapon sa Smart Araneta Coliseum. Walang iba kundi si season Most Valuable Player (MVP) Will Gozum ang […]