• June 13, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

PBBM pinatitigil ang umano’y bayaran sa pangangalap ng pirma para sa Cha Cha

PINATITIGIL ni Pang. Ferdinand Marcos Jr ang umano’y bayaran sa pangangalap ng pirma para sa Peoples Initiative na layong amyendahan ang 1987 Constitution.

 

 

Sa panayam kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr kanyang inihayag na sakaling mayroong ganoong isyu na bayaran hindi ito tatanggapin ng Commission on Election.

 

 

Gayunpaman sinabi ng Pangulo na wala siyang natatanggap na ulat ukol sa bayaran kapalit ng pirma bagkus may mga nakarating sa kaniya na may mga ibinigay na pangako kapalit ng ibat ibang serbisyo.

 

 

Inihayag ng Pangulo na kanya sanang pinapatigil ang pagbibigay ng serbisyo ng DSWD sa publiko ngunit kaniyang napagtanto na hindi pwedeng itigil dahil marami ang nangangailangan.

 

 

Kaya ipinauubaya na ni Pang. Marcos sa Comelec ang pag-validate sa nasabing ulat. (Daris Jose)

Other News
  • Vice Ganda, isa sa nag-comment at sobrang excited: PAOLO, perfect host ng ‘Drag Race Philippines’ at pinasilip na ang first look

    SI Paolo Ballesteros nga ang napili na mag-host ng “Drag Race Philippines” na magsisimula nang mapanood sa August 17.   Ni-repost ni Paolo ang official social media post na may caption na, “MABU-HEYYY! Meet your HOST of @dragraceph: @pochoy_29.     “Start your engines, #DragRacePH premieres August 17th on @wowpresentsplus worldwide (except Canada) and @cravecanada […]

  • “Demonyo”, 1 pa huli sa Caloocan drug bust, P110K droga, nasabat

    SA kulungan ang bagsak ng dalawang drug suspects matapos makuhanan ng mahigit P.1 milyon halaga ng droga nang kumagat sa ikinasang buy bust operation ng pulisya sa Caloocan City, Biyernes ng madaling araw.     Kinilala ni Caloocan police chief P/Col. Ruben Lacuesta ang naarestong mga suspek na sina alyas “Demonyo” at alyas “Jeng-Jeng”, kapwa […]

  • Ads June 24, 2022