• May 21, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

PBBM, pinawi ang pangamba ukol sa di umano’y ‘loopholes’ o ‘mga butas’ sa EO na nagbabawal na sa POGOs

PINAWI ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang pangamba ng ilang mambabatas ukol sa di umano’y ‘mga butas’ sa Executive Order No. 74, ang agarang pagbabawal o pag-ban sa Philippine Offshore Gaming Operators (POGO), internet gaming at iba pang uri ng offshore gaming operation sa bansa.

 

Pinuna kasi ni Senadora Risa Hontiveros ang ilang umano’y mga butas sa EO ni Pangulong Marcos laban sa POGO ops.

 

Ang mga ‘napunang butas’ ng senador sa EO ay ‘mga butas’ na nagbibigay pagkakataon sa mga POGOs na makapagpatuloy ng operasyon sa loob ng mga casino at freeports.

 

Sinabi ni Hontiveros na hindi kasi hayagang idineklara ng Executive Order No. 74, na pirmado ni Pangulong Marcos Jr. noong Nobyembre 5, ang ban sa mga POGO na sakop ang lahat ng mga establisimyento na wala sa ilalim ng pangangasiwa ng Philippine Amusement and Gaming Corp. (Pagcor).

 

Ang buweltang tugon naman ng Pangulo,“They cannot. There’s just no way because it’s the nature of the operation that we are banning.”

 

“Basta’t POGO yan, basta’t ganyan ang operasyon nila, they’re banned,” diving pahayag ng Pangulo.

 

Giit pa ng Pangulo, ipinatupad ang POGO ban ”not because it’s under PAGCOR or not.”

 

Matatandaang, sa Executive Order No. 74 kasi na nilagdaan ni Executive Secretary Lucas Bersamin na may petsang Nob­yembre 5, 2024, nakasaad dito na hindi papayagan ng Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) na aprubahan ang mga bagong lisensya at hindi na rin papayagan ang renewal o extension ng lisensya.

 

Nakasaad din sa EO ang tuluyang paghinto ng operasyon sa Disyembre 31, 2024 o mas maaga pa dito.

 

At nang tanungin kung kakailanganin ang batas maliban sa EO, sinabi ni Pangulong Marcos na ang pinakabagong pagpapakabas ng kautusan ay sapat na para ipagbawal ang POGOs sa bansa. (Daris Jose)

Other News
  • Alex Eala pasok na sa 3rd round ng US Open Junior Tennis

    UMUSAD  na sa 3rd round ng US Open Junior Tennis Championship si Alexandra “Alex” Eala.     Ito ay matapos na talunin niya si Nina Vargova ng Slovakia sa score na 6-2, 6-3.     Hindi hinayaan ni Eala na makalusot pa ang Slovakian player kung saan dominado niya ang laro.     Susunod na […]

  • Curry muling bumida sa Warriors

    Kapwa nakabangon sa kani-kanilang kabiguan ang league-leading Golden State Warriors, Utah Jazz at Los Angeles Clippers matapos talunin ang kani-kanilang kalaban.     Sa New York, nagsalpak si Stephen Curry ng 37 points tampok ang season best na siyam na three-point shots sa 117-99 pagdaig ng Warriors (12-2) sa Brooklyn Nets (10-5).     May […]

  • PDu30, kinukunsidera ang pagtakbo sa pagka-senador sa 2022 elections

    KINUMPIRMA ng Malakanyang na kinukunsidera ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte na tumakbo sa pagka-senador sa 2022 national at local elections.   Nauna na kasing nabanggit ni Senador Christopher Lawrence “Bong” Go na kinukunsidera ni Pangulong Duterte na tumakbo sa pagka-senador para patuloy siyang (Pangulo) na makapagtrabaho para sa kapakanan ng mga mamamayang Filipino.   “As far as […]