• October 10, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

PBBM, pinuri ang mga Filipino STEM winner, nangakong susuportahan ang innovation, tech

NAKIISA si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr., araw ng Linggo sa pagdiriwang ng mga naging tagumpay ng mga estudyanteng Filipino na nag-excell sa larangan ng Science, Technology, Engineering, and Mathematics (STEM).

 

Nangako rin ang Pangulo na patuloy na magi-invest at susuportahan ng kanyang administrasyon ang ‘innovation at technology.’

 

Sa kanyang weekly vlog na pinost sa social media, ipinagmalaki ni Pangulong Marcos ang mga estudyanteng Filipino na nakakuha ng parangal mula sa international STEM competitions.

 

Binigyang diin ng Pangulo ang mahalagang papel ng STEM education sa ‘modern technological landscape.’

 

Tinukoy ang aplikasyon nito sa halos bawat aspeto ng buhay ng tao.

 

“Mahalaga ‘yan dahil ang STEM subjects ang pinagbabasehan ngayon ng lahat bagong teknolohiya. Alam naman natin na ang lahat ng buhay natin ay dumarami ang involvement ng bagong teknolohiya,” ayon kay Pangulong Marcos.

 

“Para magamit natin ‘yung mga bagong teknolohiya na ‘yan kailangan ay sanay na sanay tayo, nakaka-unawa tayo sa scientific studies at saka Mathematics para tayo ay makikilahok sa bagong ekonomiya ng mundo,”aniya pa rin.

 

Nangako naman si Pangulong Marcos na ipagpapatuloy ng gobyerno ang STEM education para palakasin ang susunod na henerasyon ng mga innovator, tiyakin na ang Pilipinas ay mananatiling competitive sa isang mabilis na umuunlad na technological landscape.

 

“Sa isang Bagong Pilipinas, patuloy ang pagpapatatag ng pundasyon para sa siyensiya at teknolohiya. Patuloy ang inobasyon dahil kaalaman ang ating sandata tungo sa isang maunlad at makabagong Pilipinas,” aniya pa rin. (Daris Jose)

Other News
  • Super nag-enjoy sa bakasyon nila sa Singapore: Relasyon nina JULIA at GERALD, ipinapakita na mas lalong tumatag

    IPINAPAKITA lang talaga ng mag-dyowa na sina Julia Barretto at Gerald Anderson na habang tumatagal, mas lalong tumatatag ang relasyon nila.     Kahit ilang beses na naiintriga na kesyo nagkakalabuan o break na, dedma lang ang dalawa at manggugulat na masaya silang magkasama.     Tulad na lang sa pag-attend nila sa F1 race […]

  • Maraming nagulat sa kanyang inirampa: Natcos ni MICHELLE sa Miss U, tribute sa Philippine tourism at pagiging Air Force reservist

    “DESTINATION Filipinas” and “Love the Philippines” ang inspiration sa likod ng national costume ni Michelle Marquez Dee. Made in Nueva Vizcaya ang natcos ni Michelle na gawa ng designer na si Michael Barassi. According to Barassi, the costume, which resembles a plane, is a tribute to Philippine tourism and Dee being an Air Force reservist. […]

  • Bestfriend and partners in crime: CASSY, tinawag na ‘DB’ si DARREN sa sweet birthday message

    SA Instagram page ni Cassy Legaspi ibinahagi niya ang photos nila Darren Espanto, kasama ang video ng kanilang bonding moments.     Mababasa rin ang birthday message ng Kapuso young star para sa Kapamilya singer na special na buhay niya, na nag-celebrate ng 22nd birthday.     “Happiest happiest birthday to my best friend, partner […]