PBBM, pinuri ang Philippine Embassy sa Kuwait, DMW para sa walang humpay na paghahabol at makamit ang katarungan para kay Jullebee Ranara
- Published on September 18, 2023
- by @peoplesbalita
PINURI ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang Philippine Embassy sa Kuwait, ang Department of Migrant Workers (DMW), at ang mga Kuwaiti authorities para sa walang humpay na paghahabol at makamit ang hustisya para sa pinatay na OFW na si Jullebee Ranara matapos hatulan ng guilty ng Kuwaiti juvenile court ang amo na nasa likod ng nasabing krimen.
“I commend the Philippine Embassy in Kuwait, the Department of Migrant Workers, and the Kuwaiti Authorities for their continued pursuit of justice for our OFW, Jullebee Ranara. We hope that the appeal process will be conducted fairly, and justice will be served accordingly,” ayon kay Pangulong Marcos sa isang mensahe na naka-post sa social media.
“I take comfort in thinking that Toots (the late DMW Secretary Susan “Toots” Ople) and Jullebee are looking down from heaven with smiles. Their legacy serves as a reminder of our duty to protect and support our fellow countrymen, regardless of where in the world they may be,” ayon pa rin sa Pangulo.
Sa ulat, sinabi ng DFA na hinatulan ng 15 taong pagkakakulong ang akusado dahil sa kasong pagpatay.
Nakatanggap din siya ng isang taong sentensiya sa pagkakulong dahil sa pagmamaneho nang walang lisensya.
Sinabi ng DFA na ang mas mababang parusa ay dahil sa pagiging menor de edad ng akusado. Mayroon siyang 30 araw para iapela ang hatol sa Court of First Instance.
“The family of the OFW has been informed and is grateful for the assistance provided them by the government,” anang DFA.
“The Philippine Government is similarly appreciative of the efforts undertaken by the Kuwaiti authorities to effect a speedy resolution of the case, in the pursuit of justice for our slain kababayan,” dagdag pa ng ahensya.
Ang nasunog na katawan ng 35-anyos na si Ranara ay natagpuan sa disyerto noong Enero.
Arestado ang 17-anyos na anak kaugnay ng krimen. Siya rin ay napaulat na nanggahasa at nakabuntis kay Ranara.
Nangako ang Kuwaiti Minister of Foreign Affairs Sheikh Salem Abdullah Al-Jaber Al-Sabah noong Enero na mapaparusahan ang pumatay kay Ranara. (Daris Jose)
-
Mandatory drug test sa mga artista, itinulak
DAPAT munang sumailalim sa mandatory drug test ang bawat artista bago ito bigyan ng pelikula o project sa telebisyon. Ito ang mungkahi ni Surigao del Norte Rep. Robert Ace Barbers, chairman ng House Committee on Dangerous Drugs, kasunod na rin ng pagkakaaresto ng pulisya sa aktor na si Dominic Roco at apat na […]
-
MANGINGISDANG NAVOTEÑO INAYUDAHAN NG BFAR
UMABOT sa 1,056 rehistradong mangingisda sa Navotas ang nakatanggap ng salapi at pagkain mula sa Bureau of Fisheries and Aquatic Resources. Binisita ni Cong. John Rey Tiangco ang pamamahagi sa unang pangkat ng mga benepisyaryo na nag-uwi ng P3,000 cash voucher na makukuha sa MLhuillier at P2,000 halaga ng pagkain kabilang ang 25-kilo sako ng […]
-
‘The Flash’, Meets The ‘Justice Society of America’ After His Accidental Time Travel
AFTER streaming Zack Snyder’s Justice League on HBO Go, fans are now rooting for more DC films. As we await their upcoming live-action films in a few months, we can also look forward to the new animated film Justice Society: World War II. A new clip was released for the film, and it features […]