• May 15, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

PBBM, pinuri si Obiena sa pagkapanalo sa Germany meet

PINURI ni Pangulong  Ferdinand  Marcos Jr.si  pole vaulter Ernest John “EJ” Obiena matapos magwagi sa Internationales Stabhochsprung-Meeting sa Jockrim, Germany.

 

 

“Isang maligayang pagbati para sa ating atleta na si EJ Obiena sa kanyang pagkapanalo ng gintong medalya,” ayon kay Pangulong  Marcos sa isang Facebook post.

 

 

“Ang pinakitang gilas ni EJ sa larangan ng pole vault ay isang katangiang maaaring tularan ng mga kabataang nangangarap na maging isang atleta,” dagdag na pahayag nito

 

 

Kaagad namang in- acknowledged ni Obiena ang post ng Pangulo, sa Facebook din

 

 

“Maraming salamat po, President Bongbong Marcos, for the congratulatory message and recognition. I hope I did the country proud,” ani Obiena.

 

 

Sa ulat, naging makabuluhan ang pagbabalik-aksyon ni Pinoy pole vaulter EJ Obiena matapos masungkit ang medalyang ginto sa 26th Internationales Stabhochsprung-Meeting sa Jockgrim, Germany nitong Miyerkules .

 

 

Nakubra ni Obiena ang medalya nang matalon ang 5.81 metro kaya natalo nito si world No. 2 Chris Nilsen ng United States, nakakuha lamang ng ikalawang puwesto nang malampasan ang 5.71 metro habang si Kurtis Marschall ng Australia ay nakuha ang ikatlong puwesto.

 

 

Nabigong maitala ni Obiena ang 5.95 metro matapos ang tatlong beses na pagtatangka.

 

 

“Great start for the second part of the season,” banggit ni Obiena sa kanyang Facebook post.

 

 

Sasabak din si Obiena sa Athletissima Meet sa Lausanne, Switzerland simula Agosto 25-26, bago ang pagsalang sa True Athletics Classics sa Leverkusen sa Germany sa Agosto 28. (Daris Jose)

Other News
  • Muling itatampok ng Puregold ang talentong Pinoy: Pagbabalik ng ‘Nasa Atin ang Panalo’, mas pinalaki at pinabongga

    MULING itatampok ng Puregold ang talentong Pinoy kaugnay ng pangako nitong kumonekta sa kabataang Pilipino, sa mga nagmamahal sa musika, at mga araw-araw na nangangarap at nakikita ang musika bilang ritmo ng buhay. Nagbabalik ang Nasa Atin Ang Panalo na mas pinalaki at pinabongga. May mga bagong miyembro ang pamilya ng Puregold, tatlo sa mga pinakamaingay na […]

  • Bagong cease and desist order ng NTC vs ABS-CBN, ‘di makakaapekto sa franchise hearing – House leader

    Nilinaw ni House Committee on Good Government and Public Accountability Chairman Jose Antonio Sy-Alvarado na hindi makakaapekto sa magiging desisyon ng Kamara sa franchise bid ng ABS-CBN ang inilabas na alias cease and desist order ng National Telecommunications Commission (NTC).   Ito ay matapos na ipinahinto kahapon ng NTC ang broadcast operations ng Sky Direct […]

  • Turismo sa Tagaytay malakas pa rin sa kabila ng pag-aalboroto ng Taal Volcano

    NANANATILI RAW malakas ang turismo sa Tagaytay sa kabila nang pag-aalboroto ng Taal Volcano.     Sinabi ni Tagaytay City Public Information Officer Angie Batongbacal na hindi naman daw nabawasan ang mga turistang namamasyal sa Tagaytay sa kabila ng nagaganap na aktibidad ng bulkan.     Aniya, pareho lamang daw na malakas ang turismo bago […]