• March 22, 2023
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

PBBM pormal na inilunsad ang ‘Kadiwa ng Pangulo’ sa Bicol region

PINANGUNAHAN ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr ang paglulunsad ng first Kadiwa ng Pangulo initiative sa Bicol region ngayong araw kung saan inihayag nito na malapit ng makamit ng Php 20 per kilo ng bigas na mas magiging abot-kaya para sa mga Pilipino.

 

 

Ayon sa Pangulo, matagumpay ang Kadiwa program na kaniyang inilunsad nuong nakaraang taon kaya nais niya itong ipagpatuloy.

 

 

“Makikita ninyo, halimbawa ‘yung bigas, ‘yung aking pangarap na sinabi na noong bago akong upo na sana mapababa natin ang presyo ng bigas ng Php20. Hindi pa tayo umaabot doon, dahan-dahan palapit. Nasa Php25 na tayo. Kaunti na lang, maibababa natin ‘yan,” pahayag ng Marcos.

 

 

Dagdag pa ng Pangulo ganito rin ang gagawing hakbang ng gobyerno sa sibuyas, umangkat ang pamahalaan ng sibuyas na nagresulta sa pagbaba ng presyo ngayon sa merkado.

 

 

Sa ngayon, nasa mahigit 500 Kadiwa ng Pangulo outlets na ang inilunsad sa buong bansa.

 

 

Bukod sa pagbibigay ng murang pangunahing bilihin sa mga Pilipino, layon din ng programa na tulungan ang mga local farmers at producers na magkaroon ng direct access sa merkado.

 

 

“Lahat po ‘yan ay binibigyan din natin ng pagkakataon ‘yung mga maliliit na negosyo sa bawat lugar kung saan ‘yung Kadiwa para mayroon silang lugar para ipagbili ang kanilang mga produkto,” punto ng Pang. Marcos Jr. (Daris Jose)

Other News
  • ARCHDIOCESE NG LIPA, NAGLABAS NG GUIDELINES SA MGA TAAL EVACUEES

    NAGLABAS  ng panuntunan ang Archdiocese of Lipa para sa mga parokya na muling tumanggap ng mga evacuees matapos itaas sa alert level 3 ang bulkang taal.     Batay sa inilabas ng Lipa Archdiocesan Social Action Commission o LASAC, hinikayat nito ang mga parokya na maglaan ng silid para mga pamilyang posibleng mapalikas.     […]

  • Djokovic pasok na sa ikalawang round ng Dubai Duty Free Tennis Championship

    PASOK  na sa ikalawang round ng Dubai Duty Free Tennis Championships si Serbian tennis star Novak Djokovic.     Tinalo kasi nito si Lorenzo Museti ng Italy sa score na 6-3, 6-3.     Ito ang unang laro ni Djokovic ngayong taon matapos na ito ay ma-deport sa Australia nitong Enero dahil sa hindi pagsiwalat […]

  • PNP naglatag na ng security measures vs magtatangkang manabotahe sa araw ng eleksyon

    NAGLATAG na ng security measures ang Philippine National Police (PNP) laban sa anumang pagtatangkang pananabotahe sa darating na halalan sa Mayo 9.     Sa isang statement tiniyak ni PNP chief Gen. Dionardo Carlos na hindi magtatagumpay ang anumang masamang plano sa mismong araw ng eleksyon dahil nagsasagawa na aniya sila ng contingency measures upang […]