• January 13, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

PBBM sa ₱20 per kilo na bigas ‘We’re doing everything’

SINABI ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na ginagawa ng kanyang administrasyon ang lahat ng makakaya nito para matupad ang kanyang 2022 campaign promise na bawasan ang presyo ng bigas sa ₱20 kada kilo.

 

 

Araw ng Lunes, inamin ng Pangulo na hindi pa nya natutupad ang kanyang pangako.

 

 

“Iyon pa rin ‘yung ating hangarin na ₱20 na bigas ay wala pa tayo roon pero ginagawa natin ang lahat,” ayon sa Pangulo sa kanyang talumpati kasunod ng paglagda sa  Memorandum of Agreement para sa  Kadiwa ng Pangulo kasama ang  local government units.

 

 

“As of July 17,” makikita sa data ng  Department of Agriculture na ang  per kilogram na presyo ng bigas ay mula  ₱36 hanggang ₱48.

 

 

Tinuran ng Pangulo na ang pagpapalawig sa Kadiwa ng Pangulo sa buong Pilipinas ay maaaring nakapagpabawas sa presyo ng  agricultural products dahil mawawala ang tumatayong “middlemen.”

 

 

“Ang programa ng Kadiwa ay napakasimple lamang at tayo ay ginagawa natin ay pinalalapit natin sa magsasaka ang palengke. Kaya’t ‘yung mga middleman, ‘yung mga added cost ay binabawasan natin nang husto ‘yan. Sa ganyang paraan ay maipagbili natin ng presyo na mababa,”  ang winika ng Pangulo. (Daris Jose)

Other News
  • UP guard Bea Daez, ikinagulat na mapili bilang WNBL ambassador

    Ikinagulat ni dating University of the Philippines guard Bea Daez-Fabros sa pagkakapili sa kaniya ng WNBL bilang ambassador.   Sinabi nito na hindi na siya nagdalawang isip na tanggapin ang alok ni NBL executive vice president Rhose Montreal.   Dagdag pa nito na layon nito ngayon ay palaguhin ang women’s basketball sa bansa. Nag-represent na […]

  • LTFRB: Binigyan ng 27 buwan upang palitan ang lumang PUJ units

    MATAPOS ang consolidation ng mga individual na operators upang maging kooperatiba o korporasyon, ang kasunod naman nito ay ang pagpapalit ng mga lumang public utility jeepneys (PUJs) upang maging modernized units.     “We have set a schedule so the replacement of units is not immediate, so within that time, old units can still be […]

  • Pinoy athletes, kanya-kanya ring diskarte sa gitna ng COVID pandemic

    Pumapatok ang mga negosyo ng Filipino athletes na kanilang paraan sa gitna ng Coronavirus Disease 2019 (COVID-19) pandemic.   Tulad nalang ng Philippine Basketball Association (PBA) players na sina Blackwater Elite forward Carl Bryan Cruz at ng kanyang girl friend na nagtitinda ng cleaning and disinfectant tools tulad ng alcohol, dishwashing liquid at iba pa. […]