• June 13, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

PBBM sa Comelec: “Bayad” na people’s initiative signature campaign, ipawalang-bisa

DAPAT lamang na ipawalang-bisa ng Commission on Elections (Comelec) ang mga pirma sa People’s Initiative na nakuha kapalit ng pera.

 

 

“Well, pagka-binayaran ‘yung signature, hindi tatanggapin ng Comelec ‘yun. So walang magandang mangyayari,” ayon kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr., sa isang panayam matapos ang opisyal na paglulunsad ng Lung Transplant Program ng Lung Center of the Philippines (LCP) at National Kidney and Transplant Institute (NKTI) sa Quezon City.

 

 

Binasura naman ng Pangulo ang napaulat na signature-buying para sa naturang kampanya, sinabi na may napaulat na may ilang benepisyo na matatanggap para makaakit ng mga botante na pumirma.

 

 

Itatanong aniya  sa mga miyembro ng Kongreso kung tama ang napaulat na ito.

 

 

“So, ang pagkakaalam ko hindi naman, wala namang ganoon. Ang sinasabi hindi bayaran ng cash, kundi nangangako ng kung anu-anong benefits. Tinitignan namin, sabi ko, “itinanong ko sa  ating legislation, totoo ba ‘yan?,” aniya pa rin.

 

 

Tinugunan din ng Chief Executive ang suhestiyon na suspendihin ng mga ahensiya ang kanilang social services programs upang hindi magamit sa pangangalap ng pirma para sa people’s initiative.

 

 

Sinabi ng Pangulo na hindi niya magagawang pigilan o ihinto ang implementasyon ng kahit na anumang serbisyo lalo pa’t maraming mga Filipino ang nangangailangan ng tulong.

 

 

“Hindi naman nagbago ‘yung mga release natin, constant pa din. Hindi naman maganda din ‘yun kasi may mga nangangailangan talaga,” ayon sa Chief Executive.

 

 

Sa halip aniya ay hayaan ang Comelec na gawin ang trabaho nito pagdating sa balidasyon ng mga pirma.

 

 

“We just let Comelec do their job and their work to validate the signature. And if there’s suspicion na may ganoon nga ay hindi talaga mabibilang ang mga signature na ‘yun,” ayon sa Pangulo.

 

 

At upang maikonsiderang mahalaga ang people’s initiative, ang bawat congressional district ay kailangan na makakalap ng pirma ng 3% ng registered voters nito. (Daris Jose)

Other News
  • Malolos-Clark railway naantaladahilsa payment issues

    NABIGONG magbayad ang pamahalaan sa tamang oras sa isang contractor ng Malolos-Clark Railway Project (MCRP) kung kaya’t naantala ang construction works.     Maantala ng isang taon na dapat ay sa 2024 na siyang targeted completion ng nasabing imprastruktura.     Ayon kay Department of Transportation (DOTr) undersecretary Cesar Chavez na ang pamahalaan ay naharap […]

  • JULIE ANNE at RAYVER, magka-tandem na ang turingan kaya wala nang awkwardness

    PAGKATAPOS ng successful first part Limitless online concert ni Julie Anne San Jose, ang “Breath” at sa Mindanao ang naging location, ngayon ay nasa part 2 na kunsaan sa Visayas naman siya nag-ikot at ang title ay “Heal.”     Special guest ni Julie Anne sina Jessica Villarubin at Rayver Cruz.     With Rayver, inamin […]

  • ‘Pumili ba ang Letran sa kanyang kalaban’ sa Final Four ng NCAA? Sagot ni Bonnie Tan

    Sinadya bang matalo ang Letran sa final elimination game nito sa Jose Rizal University para makakuha ng mas paborableng draw sa NCAA Season 98 Final Four?   Tila ito sa marami dahil ang 87-71 pagkatalo ng Knights sa Heavy Bombers noong Miyerkules ay nag-relegate sa kanila sa No. 2 spot at isang sagupaan laban sa […]